Sunday , November 18 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Vanity tax binawi ng solon
Vanity tax binawi ng solon

Vanity tax binawi ng solon

BINAWI ni Ako Bicol party-list Rep. Rodel Batocabe ang panukalang buwisan ang cosmetic products at beauty services.

Ito aniya ang kanyang naging desisyon makaraan sabihin ni Budget Sec. Benjamin Diokno na may pera pa ang gobyerno kaya hindi na kailangan ng karagdagang buwis.

Bukod dito, ang pag-urong niya sa panukalang vanity tax ay dahil sa pag-alma ng maraming sektor.

READ MORE:  UN kinontra ni Callamard — PAO chief

Aniya, maging ang Ako Bicol party-list ay kinombinsi rin siyang huwag nang ituloy ang vanity tax.

Aniya, kanyang napagtanto sa gitna ng mga batikos, na napakahirap palang buwisan ang kaligayahan ng ibang tao.

Iginiit ng kongresista, naisip niya noon ang vanity tax bilang alternatibo sa dagdag buwis sa produktong petrolyo na aniya’y mas mabigat para sa taongbayan.

Huwag mahihirap
ELITISTA PATAWAN
NG BUWIS — SOLON

READ MORE:  Lady manager natulala sa holdap

INIREKOMENDA ng isang kongresista na targetin ng gobyerno na patawan ng buwis ang mga elitista sa bansa.

Ayon kay Anakpawis Rep. Ariel Casilao, hindi dapat ang mahihirap ang puntirya nang mas mataas na buwis kundi iyong mga napabilang sa Forbes’ 50 pinakamayayaman sa Filipinas.

READ MORE:  Chairperson, 3 generals, 49 pulis sisibakin (Pahayag ni Digong)

Pahayag  ito  ng  kongresista kasabay ng planong patawan ng P6 excise tax ang mga produktong petrolyo.

Iginiit ni Casilao, mayayaman ang karaniwang mga tax evader.

Dagdag niya, band aid solution lamang ang planong pataasin ang kita ng gobyerno.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved