Monday , January 21 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Tindera ng gulay bugbog-sarado sa rapist sa Albay
Tindera ng gulay bugbog-sarado sa rapist sa Albay

Tindera ng gulay bugbog-sarado sa rapist sa Albay

DARAGA, Albay – Bugbog-sarado ang isang biyuda na tindera ng gulay sa Daraga, Albay sa lalaking tangkang gumahasa sa kanya sa nasabing lugar.

Kuwento ng biktima,  dakong 4:00 am nitong Linggo, habang naglalakad siya bitbit ang kanyang mga panindang gulay, nang makasalubong niya ang 20-anyos suspek.

Bigla aniya siyang sinakal, tinakpan ang bibig at tinangkang gahasain.

Nakatakas aniya siya nang sipain niya nang malakas ang lalaki na nahulog sa burol.

Kinilala ang suspek na si Christopher Luces, nakakulong ngayon sa estasyon ng pulisya sa Daraga.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top