Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Seguridad sa Chinatown tiniyak ng MPD (Sa Chinese New Year, Miss U event)
Seguridad sa Chinatown tiniyak ng MPD (Sa Chinese New Year, Miss U event)

Seguridad sa Chinatown tiniyak ng MPD (Sa Chinese New Year, Miss U event)

MAGPAPAKALAT ng 150  pulis sa Chinatown at Binondo sa lungsod ng Maynila sa nalalapit na selebrasyon ng Chinese New Year sa 28 Enero.

Sinabi ni Manila Police District Director, Chief Supt. Joel Coronel, nakipag-ugnayan na sila sa lokal na pamahalaan ng Maynila para sa seguridad ng publiko.

Ayon kay Coronel, 27 Enero ay naka-deploy na ang kanyang mga tauhan upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa isasagawang mga programa sa Binondo gaya ng fireworks display at dragon dance.

READ MORE:  Preso patay sa heat stroke (Sa MPD PS3)

Aniya,  wala  silang ipagbabawal at mananatiling bukas sa mga motorista ang mga kalsada sa lugar.

Umaasa ang pamunuan ng MPD na magiging mapayapa ang pagdiriwang ng Chinese New Year katulad ng nakalipas na bagong taon.

READ MORE:  Militanteng grupo nag-vigil sa Mendiola

Samantala, tiniyak ni Coronel, walang ano mang magiging aberya sa mga aktibidad ng Ms. Universe pageant sa lungsod ng Maynila.

Ayon kay Coronel, nakalatag na ang seguridad sa gaganaping mga aktibidad ng Ms. Universe pageant ngayong linggo.

Ngayong linggo ay may photo shoot ang mahigit 80 kandidata para sa Ms. Universe sa Maynila, sa 20 Enero, magbibigay-galang sila (courtesy call) kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang, at kasunod nito ang luncheon sa Manila Hotel.

READ MORE:  Parking attendant itinumba sa Binondo

Sinabi ni Coronel, bilang bahagi ng Special Task Force Ms. Universe, ay magdi-deploy ang MPD ng 250 pulis na magbabantay sa ruta, magsi-secure sa area at traffic management.

(LEONARD BASILIO)

COMMENTS

About Leonard Basilio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved