Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / May diperensiya ba ang mga mata ni MTPB Chief Dennis Alcoreza!?
May diperensiya ba ang mga mata ni MTPB Chief Dennis Alcoreza!?

May diperensiya ba ang mga mata ni MTPB Chief Dennis Alcoreza!?

Nag-operation photo op at video op pala ang Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) sa pamumuno ng kanilang hepe na si dating konsuhol ‘este mali’ konsehal Dennis Alcoreza sa Sampaloc, Maynila kahapon.

Ang press release, nilinis at binatak (tow) daw nila ang mga illegal parking kabilang ang mga nakagaraheng sasakyan sa mga kalsada.

Talaga namang sa radio interview, photo op at video op ‘e parang gustong baliktarin ang mga sasakyan na nakagarahe sa bawat kalye.

Ipinagmalaki pa sa video op na, tuloy-tuloy daw ang kanilang paglilinis hanggang lumuwag ang mga kalye sa Maynila.

Wee?! Hindi nga?!

E bakit feeling ng mga Manileño, ‘e may diperensiya sa mata o farsighted si Alcoreza?

Aba ‘e gustong linisin ang Sampaloc, Blumentritt, Divisoria, Sta. Cruz, Quiapo, Paco, Pandacan at Malate  pero ‘yung napakalapit sa Manila City hall na illegal terminal ay hindi niya malinis-linis?!

Aba, konsi Alcoreza, dapat sigurong ipa-check mo ang iyong mata na hindi yata nakakikita sa malapitan?!

Ano ba ‘yan, sinasadya?

Sinsadyang huwag tingnan?!

Bukod sa kabi-kabilang illegal terminal ng mga kolrum na van, malapit sa Manila City hall, ang bantot at ang panghi ng paligid lalo sa Liwasang Bonifacio (dating Plaza Lawton) na pinaglunggaan na ng illegal terminal, ginawa pang tambayan, liguan, labahan, tulugan, kasilyas ng mga inaangking constituents ng nasabing barangay.

‘Kinahoy’ na maging ang mga lamp post at mukhang nai-deliver na sa junk shop.

Baka isang araw ‘e bumaba ang estatwa ni Gat Andres Bonifacio at maghimagsik sa sobrang baho ng liwasan na ipinangalan sa kanya.

MTPB chief, Dennis Alcoreza, ang daming obstruction sa Liwasang Bonifacio…

‘Yan ang dapat mong unahin!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap
COMMENTS
READ MORE:  Asec. Mocha nalaglag yata at naapakan ang kanyang ‘kukote’

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved