Friday , September 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Baguhang young actress na very wholesome ang images parang boldstar kung manamit
Baguhang young actress na very wholesome ang images parang boldstar kung manamit

Baguhang young actress na very wholesome ang images parang boldstar kung manamit

NAKASABAY namin two weeks ago, palabas sa isang malaking TV network ang baguhang young actress na very wholesome ang images.

Shock kami sa outfit na suot ni pretty YA noong araw na iyon habang hinihintay ang kaniyang car dahil nagmukha siyang boldstar na parang ang ka-level ay si Kim Domingo.

Nakagugulat lang talaga dahil sa kabila nang ‘di-makabasag pinggan na imahe ng batang aktres bago napasok sa mainstream television na nakilala muna

sa kanyang TV commercial ng isang sikat na food chain ay liberated pala in real life.

Saka ‘yung young actor na nali-link sa kanya ngayon ay kanya pang pinag-aantay bago raw siya ligawan tapos in a broad daylight ay magsusuot siya ng outfit na kita ang likod niya at bra na exposed ang kanyang boobs at sobrang kapal ng kanyang make-up huh.

Ang lupet gyud!

Drew at Iya hahataw sa bagong

game show na “People vs. The Stars”

ngayong Lingo sa Sunday Grande Hapon

Bukod sa comedy game show na “AHA” at “Biyahe Ni Drew” ni Drew Arellano na pareho ninyong  mapapanood sa GMA News TV at ng wifey nitong si Iya Villania na segment host naman ng Chika Minute sa 24 Oras ay may bagong show ang showbiz couple na “People vs. The Stars” na inyo nang mapapanood simula ngayong 15 January 5:00 to 6:00 pm sa Sunday Grande ng GMA-7.

Well, vibes namin ay magki-click ang tandem ng dalawa dahil aside sa parehong articulate ang dalawa ay very funny pa ang dating nila sa ere.

At say ni Iya tinanggap niya ang programa dahil magiging libangan niya ito lalo na kapag hindi sila magkasama ng first baby nila ni Drew na si Primo.

“Actually, this is the first time I will be hosting this kind of show na makulit and entertaining. Natutuwa ako kasi I consider this my rest whenever I am not on my ‘mommy duties’ kay Primo kasi natatawa lang talaga ako rito.

It’s as if I don’t work. Plus kasama ko pa ang asawa ko, so ‘yung fun talaga nandoon. At para naman kay Drew, excited na siya na i-host ito lalo’t kasama niya ang magandang misis.

“Excited ako, kasi iba itong show na ito for us kasi more enjoyable and light environment. Hindi ‘yung acting like sa mga shows namin 10 years ago. Dito mas makikita nila kung sino kami inside our house, ganoon lang talaga,” aniya sa isang panayam.

Sa grand presscon ng mag-asawa na imbitado kami, para madaling maintindihan ng lahat partikular na ang mga sasalang na contestants at televiewers kung paano laruin ang latest game show, nagpalaro sina Drew at Iya sa tatlong press people na ang kalaban ay audience na entertainment press na dumalo rin sa ipinatawag na press conference.

Sa actual na palaro, ang mananalo ay tatanggap ng P200,000 pero kapag natalo sila, ang prize ay mapupunta sa televiewers na sasagot sa “People Question of the Week” sa texting.

May mga title na pipiliin ang contestant na mind-boggling ang questions na kasama nito, kaya dapat ay isiping mabuti ang tamang sagot na may time limit. Tatlo ang players at pipili sila ng leader kung sino ang dapat sumagot ng tanong.

Samantala sa kanilang pilot episode ay makakasama nina Iya at Drew ang kanilang mga special guests, ang magkakaibigan in real life na sina Pambansang Bae Alden Richards, Kristoffer Martin at Derrick Monasterio.

BEA ENCHONG AT JULIA MAKIKISAYA

SA KAPAMILYA CARAVAN

SA SINULOG FESTIVAL SA CEBU

Namamayagpag ang bagong romantic-family drama series na “A Love To Last” na pinagbibidahan nina Bea Alonzo at Ian Veneracion na hindi lang number one trending kundi pumapalo pa sa ratings na 25% hanggang 26.1%. Sa mga susunod na linggo ay posibleng tumaas pa ang puntos nito.

Kaya bukod kay Coco Martin at mga co-star sa FPJ’s Ang Probinsyano, siguradong lahat ng mga Cebuano ay inaabangan ang tatlo sa cast ng ALTL na sina Bea, Enchong Dee at Julia Barretto na makikisaya sa mga kababayan natin sa Kapamilya Caravan sa Sinulog Festival na taon-taon ay dinudumog din ng mga turistang foreigner. Gaganapin ang event sa Ayala Terraces Cebu, 4:00 pm.

Samantala next week ay abangan sa A Love To Last ang bagong chapter ng buhay ni Andeng (Alonzo), matapos mabigo sa kanyang fiancé na si Victor Silayan ay pagtatagpuin na sila ni Engr. Anton Noble IV (Veneracion). Ito na kaya ang simula ng bagong pag-ibig ng dalaga?

At si Grace (Iza Calzado) may bago na ba siya kaya gusto nang ipawalang bisa ang kasal nila ni Anton.

Napapanood sila gabi-gabi pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN Primetime Bida.

VONGGANG CHIKAPeter Ledesma

COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved