Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Selina at Lalen, ikalawang pamilya ang Lhuillier family
Selina at Lalen, ikalawang pamilya ang Lhuillier family

Selina at Lalen, ikalawang pamilya ang Lhuillier family

MASAYA ang mag-partner na sina Selina Sevilla at Lalen Calayan sa ilang araw na pamamalagi nila sa Manila na rito nag-Pasko.

Ayon sa dalawa, masayang-masaya sila dahil muli nilang nakadaupang palad ang ilan sa mga mahal nilang mga kaibigan mula sa press kaya naman, may plano ang dalawa na iimbitahin ang mga ito sa Cebu sa kanilang nalalapit na Calayan Medical Group event.

READ MORE:  Direk Brillante at mga kasamang alalay at extra, ‘di pinaglakad sa Cannes red carpet

Nagbigay ang mag-’agum’ ng kaunting salo-salo sa North Park at masayang ibinalita na nakahanap na sila ng kanilang ikalawang tahanan, at ito ang Cebu na tanggap na tanggap sila ng mga Cebuano. Katunayan, dinarayo ang kanilang Calayan Medical Group na matatagpuan sa 2nd floor Oakridge Business Park, 880 Fortuna Street, Banilad, Mandaue City.

READ MORE:  John Arcilla, may pakiusap para sa Birdshot

Inamin ng dalawa na ang kanilang homebase ngayon ay ang Cebu City at napatunayan nila ang kasabihan sa Ingles na, ”Family is not all about blood. There are people who want you to be in theirs. Sticking to each other is what makes it a family.”

Inamin din ng dalawa na hindi lamang ikalawang tahanan ang kanilang natagpuan kundi pati ikalawang pamilya at ito ang pamilyang Lhuillier na sina Mr. and Mrs.Michael at Amparito Lhullier ng Lhuillier Business Group.

READ MORE:  Niel Murillo, may tsansang mapasama sa 5 miyembro ng PBBS

Ngayong 2017 ay ipagdiriwang nila ang ikalawang anibersaryo ng Calayan Medical Group at marami silang nakaplanong gawin. Isa sa mga plano ang pagbubukas ng ibang sangay at isa rin kanilang gagawing sangay sa Davao City.

STARNEWS UPLAOD – Alex Datu

COMMENTS

About Alex Datu

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved