Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Coco Martin, tuloy ang pagtulong sa mga artista; online series, isusunod
Coco Martin, tuloy ang pagtulong sa mga artista; online series, isusunod

Coco Martin, tuloy ang pagtulong sa mga artista; online series, isusunod

ISA ako sa natuwa nang mapanood ang mga dating artista sa mga eksena sa kulungan ng FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin na napapanood gabi-gabi mula Lunes hanggang Biyernes sa ABS-CBN2.

Isa pala kasi sa plano ni Coco ang maibalik o mabigyang trabaho ang mga datihang artista na nagnanais makabalik sa showbiz. Kumbaga, gusto niyang bigyan ng second chance ang mga artistang gustong makabalik sa pag-arte.

Sa thanksgiving presscon ni Coco noong Huwebes, sinabi nitong plano rin niyang gumawa ng isang online series para mas marami pang artista siyang matulungan.

“By 2017, hindi man ako ‘yung artista, gagawa ako ng isang series, bubuo ako ng isang series. Honestly, ‘yun ‘yung way ko para mas marami tayong taong matulungan,” paliwanag ni Coco.

“Online po. Kasi pwede naman na ako ang magpo-produce at the same time ay at saka natin siya ipalalabas,”  dagdag pa ng actor.

Sinabi pa ni Coco na para maisakatuparan niya ang planong itoý hihingan niya ng tulong ang kanyang mga kaibigang actor at director mula sa mainstream at indie.

“Ang ikinaganda nito, hindi sa ipino-promote ko, pero madali siyang makapasok international kasi through internet siya eh, kumbaga marami ang makapapanood hindi lang sa Pilipinas.”

Bukod sa online series, plano ring gumawa ni Coco ng isa pang pelikula ni Fernando Poe Jr., pero hindi pa niya masagot kung ano iyon. Basta para kay Coco, hero ang tingin niya sa action king.

“Hero siya para sa akin. Marami kasi siyang natutulungan. Marami rin siyang nai-inspire sa magagandang values na ginagawa niya sa pelikula niya. Kaya gusto ko ring iaplay ‘ýung values na ginagawa niya sa mga pelikula niya.

READ MORE:  Echo at Kim, mahal ang trabaho kaya ‘di pa nag-aanak

“Gusto ko rin na maging daan ako ni FPJ sa mga tao na ipakita ko ‘ýung values na ginagawa niya sa mga pelikula niya,” giit pa ni Coco.

BAHAY TRESE,
HANGGANG ENERO 15
NA LAMANG

010917-bahay-trese

ILANG araw na lamang at magsasara na ang pintuan ng Bahay Trese sa Building 3 ng Sta.  Lucia Mall sa loob ng World of Fun. Kaya dapat samantalahin ng mga mahihilig sa kababalaghan ang pagkakataong ito para makapasok sa haunted house na hanggang Linggo na lamang bukas, Enero 15.

Ang bawat bisita ay may 20 minutong pagkakataon para libutin ang bawat kuwarto ng bahay at maramdaman ang nakapaninindig-balahibong takot mula sa iba’t ibang karakter na nakatira sa Bahay Trese.

Ang kuwento ng Bahay Trese ay base sa tunay na mga pangyayari noong 1945, panahon ng Hapon sa bansa. Sinunog ang mga bahay, ginahasa ang mga babae, at sunod-sunod na pinatay ang mga kalalakihan sa siyudad ng Maynila.

Maraming bisita ang natuwa sa kuwento ng Bahay Trese.

Bukas ang bahay tuwing Biyernes hanggang Linggo, 3:00 p.m.-9:00 p.m..

Maaari ring hanapin ang mga detalye tungkol sa Bahay Trese sa https://www.facebook.com/BahayTrese/?fref=ts

WALA AKONG
TATANGGAPING
 SUWELDO SA MTRCB
 — MOCHA

010617-mocha-uson-mtrcb

IGINIIT ni Mocha Uson na hindi niya pinangarap pasukin ang politika. Hindi rin daw siya tatanggap ng suweldo mula sa pagiging MTRCB (The Movie and Television Review and Classification Board) Board Member. Bagkus, ibibigay niya ang suweldong nakalaan sa kanya sa DSWD at sa Dueterte’s Kitchen.

READ MORE:  Flordeliza, inilipat ng timeslot

Ito ang nakasaad sa Facebook account na Mocha Uson Blog na ipinaliwanag niya kung bakit tinggap niya ang pagiging MTRCB Board member.

Sinabi rin ni Mocha na nabalitaan niyang nangangailangan ng tulong ang MTRCB subalit walang gustong tumulong dahil sa kababaan ng suweldo.

Ukol naman sa mga negang tao, inihayag niyang huwag na lamang pansinin o bigyang halaga ang mga ito bagkus ay ipagpatuloy ang pagtulong sa kapwa.

Idinagdag pa ni Mocha na magdadala siya ng pagbabago sa MTRCB at ang unang-una raw niyang gagawin ay ang hindi pagpapayag sa pagpapalabas ng soft porn sa TV kapag primetime.

Narito ang kabuuang post ni Mocha.

“Gusto ko lamang pong magpasalamat sa inyo mga kaDDS sa inyong patuloy na tiwala. Asahan po ninyo na sa bagong challenge na ito ay patuloy natin ipaglalaban ang TUNAY NA PAGBABAGO sa ating bayan.

“Ikuwento ko lamang po kung bakit ko po ito tinanggap. Alam naman po ninyo na noon pa man ay wala akong pangarap pumasok sa masalimuot na mundo ng politika. Hindi ko po ito pinangarap hanggang ngayon. Ngunit dahil sa mga sitwasyon na nakita ko po sa industriya natin sa pelikula at telebisyon ay tinanggap ko po ang pagiging board ng MTRCB.

“Nabalitaan ko po sa ilang supporters na nangangailangan ng tulong ang Duterte Administration sa larangan ng MTRCB dahil marami raw po ang tumanggi sa position na ito dahil mababa ang sahod. Kaya akin pong naisip na tumulong po dahil ang ating isinusulong ay bolunterismo.

READ MORE:  Lambingan nina Liza at Enrique sa aparador, pang-hay-iskul

“Tinanggap ko po itong pagiging board ng MTRCB sa kondisyon na wala po akong tatanggaping suweldo.  Sana po ay kanilang tanggapin ito. At kung hindi naman, ibibigay ko po ang 100% na sahod ko sa Duterte’s Kitchen (DK) at sa DSWD Centers/Projects.

“Akin pong i-video/document sa tuwing tatanggap po tayo ng sahod at idederetso natin ito sa DK at DSWD.

“Tungkol naman sa mga bleeding hearts, hayaan na natin ang mga negative na tao. Ang importante ay tulungan natin ang ating bayan. Tulad ng sinabi ko po, 2017 is the year of the ORDINARY FILIPINO. Mabuhay ang Pilipinas!

“ I promise to help bring change to MTRCB. At sa mga bumabatikos na kesyo magiging malaswa na raw ang MTRCB dahil sa pagiging open-minded ko eh hindi po kayo updated. Matagal na po ‘yang mga video o picture na ina-upload ng mga hater. Asahan niyo po, my first mission is to NOT ALLOW SOFT PORN sa TV during primetime. Alam kong mahirap dahil isa lang po ako at marami ang board members ngunit pipilitin natin ma-convince ang board na hindi tama na ipalabas ito sa oras na makakapanood ang bata.”

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved