Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Christian, inakalang beaucon aficionado
Christian, inakalang beaucon aficionado

Christian, inakalang beaucon aficionado

TWICE kong pinanood ang Die Beautiful na hanggang ngayon ay palabas pa sa ibang sinehan. Ang main reason, gusto kong mapanood ang mga eksena ng baguhang si Christian Bables (Barbs) na ginampanan ang role na BFF ni Paolo Ballesteros  (Trisha).

Parehong triumphant ang dalawa dahil itinanghal na Best Actor si Paolo at Best Supporting Actor naman si Christian.

Actually, marami nga ang nag-aakalang isang Beaucon aficionado in real life si Christian dahil sa galing niya. Hindi mo talaga aakalain na straight siya dahil kahit sa eksena na wala siyang wig at high school student pa lang sila ni Trisha eh beki na talaga ang acting. Kung gaano kahaba ang role ni Paolo sa pelikula ganoon din kahaba ang role ni Christian.

Ito ang biggest break ni Christian gayundin si Paolo.

Pero before Die Beautiful, nai-cast na si Christian sa I Love You To Death but sad to say, kakaunti lang ang nakaalam na naroon pala siya dahil natuon ang publicity sa mga bidang sina Kiray Celis at  Enchong Dee.

MAKATAS – Timmy Basil

COMMENTS

About Timmy Basil

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved