Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Paghandaan ni Digong ang 2017
Paghandaan ni Digong ang 2017

Paghandaan ni Digong ang 2017

MALAKING pagsubok ang susuungin ngayong 2017 ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte. Dapat niyang paghandaan ang kanyang mga kalaban sa politika, lalo na ang mga grupong nagnanais na patalsikin siya sa kanyang puwesto.

Tiyak na magiging agresibo ngayon ang mga nasabing grupo lalo na ang dilawan na pinamumunuan ni dating Pangulong Noynoy Aquino ng Liberal Party kabilang na ang simbahang Katolika, ang makakaliwang grupo at ilan pang indibiduwal na may koneksiyon sa pulis at militar.

READ MORE:  Sundin ang panawagan ni Pope Francis at Tagle, magnanakaw ‘wag iboto!

Kailangang tutukan din ng administrasyon ni Duterte ang Central Intelligence Agency (CIA) na aktibong nag-o-operate sa Filipinas dahil tiyak na kumikilos ito para udyukan pang lalo ang mga ginagawang pagkilos ng mga grupong kontra sa kanyang pamahalaan.

READ MORE:  Richard A. Albano: 3 dekada at 6 taon serbisyo bilang bantay at laban sa kriminalidad

Hindi rin kailangan kalimutan ni Duterte ang mga negosyanteng galit sa kanyang mga polisiya dahil posibleng sila ang magbigay ng suportang pinansiyal sa mga gagawing pagkilos ng mga kalaban ng kasalukuyang administrasyon.

READ MORE:  Sapat na ang Davao Death Squad

Kailangan mas palakasin pa ni Duterte ang kanyang mass base para ito ang sasagot sa lahat ng kilos-protestang ilulunsad laban sa kanya.  Sa pamamagitan ng organizing work at pagpapalakas ng mga pangmasang organisasyon mabibigo ang mga kalaban ni Duterte.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved