Saturday , April 27 2024
Movies Cinema

Opening day ng MMFF, walang pila, ‘di aligaga sa ticket booth, walang tulakan

WALANG pila sa lobby ng sinehan sa opening day ng Metro Manila Film Festival. Hindi aligaga ang mga tao sa ticket booth ng mga cinema. Hindi nag-uunahan o nagtutulakan sa pagbili ng tickets.

“Nakakaloka, walang pila sa sinehan.Parang regular movie days lang. As in hindi ka maha-haggard sa pila hindi gaya rati,” text ng isang friend na mahilig manood ng sine.

Ibang-iba ang atmosphere na rati ay nagkakagulo ang mga tao sa sinehan. ‘Yan ang sinasabi nilang ‘change is coming’. ‘Di ba Mae Paner?

Hindi talaga puwedeng idikta sa mga manonood kung ano ang mga panonoorin nila. Hindi pa handa ang masa sa mga quality movie at pang-award. Mas gusto ng moviegoers ‘yung mababaw lang ang kuwento pero nag-i-enjoy sila.

Nakalulungkot ang mga kuwentong nasasagap namin na walo lang ang tao sa sinehan, ‘yung iba ay lima lang ang nanonood o kaya ay dalawa lang.

Hindi rason ‘yung sinasabi nila baka puyat ang mga tao sa Noche Buena o dahil may bagyong Nina. Dati naman ‘pag December 25 siksikan at maingay sa labas ng sinehan.

After ng ilang araw na pagpapalabas ng mga kasaling entry sa MMFF, malalaman na kung aling pelikula ang mawawala sa mga sinehan dahil tapos na ang two days guarantee ng mga sinehan na walang ipu-pullot sa mga kalahok kahit  nilalangaw.

( Roldan Castro )

About Roldan Castro

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *