Tuesday , November 13 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Frost naitala sa Benguet, 15.8°C sa Baguio
Frost naitala sa Benguet, 15.8°C sa Baguio

Frost naitala sa Benguet, 15.8°C sa Baguio

BAGUIO CITY – Naitala sa ilang bahagi ng Benguet ang kaso ng andap o frost, karaniwang nararanasan tuwing Disyembre.

Ayon kay Agot Balanoy, general manager ng Benguet Farmer’s Marketing Cooperative, posibleng maranasan ng mga magsasaka ang frost hanggang Enero partikular sa Paoay, Atok, Benguet.

READ MORE:  Ayon sa LTFRB bus sa undas sapat at ligtas

Gayonman, sinabi niyang alam na ng mga magsasaka ang kanilang gagawin tuwing may andap tulad ng pagdidilig sa kanilang mga pananim bago sumikat ang araw.

Iginiit ni Balanoy, kinakailangan din maging handa ang lokal na pamahalaan sa pagbibigay ng tulong sa mga magsasakang apektado ng andap.

READ MORE:  Localized peace talks mas kursunada ni Duterte (Usapan habang may bakbakan sayang)

Aniya, kapag nakompirma ng mga ahensiya ang nasirang mga pananim ng mga magsasaka dahil sa andap ay dapat silang magbigay nang agarang tulong.

READ MORE:  3 katao natabunan ng lupa sugatan (Sa Mt. Province)

Samantala, kahapon ng umaga, naitala ang 15.8 degrees Celsius, pinakamababang temperatura sa Lungsod ng Baguio.

Inaasahang mas mababa ng dalawang sintegrado ang temperatura sa matataas na bahagi ng Benguet tulad ng Atok, Mankayan at Kibungan.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved