Tuesday , November 20 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Lending supervisor utas sa 14-anyos bayaw
Lending supervisor utas sa 14-anyos bayaw

Lending supervisor utas sa 14-anyos bayaw

PATAY ang isang lending supervisor makaraan pagsasaksakin ng 14-anyos bayaw nang pagalitan at batukan ng biktima ang binatilyo dahil naingayan sa Valenzuela City kahapon ng madaling araw.

Hindi na umabot nang buhay sa Valenzuela  Medical Center  ang biktimang si Marlon Landicho, 30, residente ng 902 A. De Castro St., Brgy. Malinta ng nasabing bayan.

READ MORE:  Suspek sa pagpatay sa 2 bata, adik

Habang pinaghahanap ng mga pulis ang suspek na itinago sa pangalang Buchoy, 14, mabilis na tumakas makaraan ang insidente.

READ MORE:  ‘Sex workers’ bawal na sa Iloilo

Sa imbestigasyon ni SPO4 Ronald Bautista, dakong 10:30 pm, nagkukuwentuhan ang binatilyo at ang kanyang mga kaibigan sa A. De Castro St., nang lumapit si Landicho kasama ang ilang katao at pinagsabihan ang suspek na huwag maingay sabay batok sa ulo ng binatilyo.

READ MORE:  Doktor patay, 15 nurses iba pa sugatan sa tagum city (Patungong medical mission)

Bunsod nito, bumunot ng icepick ang suspek at inundayan ng saksak ang biktima bago mabilis na tumakas.

(ROMMEL SALES)

COMMENTS

About Rommel Sales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved