Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Nora, ‘di raw tinanggihan ang Oro; tinanggal nga ba?
Nora, ‘di raw tinanggihan ang Oro; tinanggal nga ba?

Nora, ‘di raw tinanggihan ang Oro; tinanggal nga ba?

IPINALIWANAG ni Nora Aunor na hindi niya tinanggihan ang pelikulang Oro kundi tinanggal siya. Tatlong araw daw siyang nasa Caramoan pero isang araw lang siyang kinunan.

Nagulat na lang daw siya dahil tapos na ang pelikula at pinalitan na siya ni Irma Adlawan.

Nag-one line pa siya sa presscon at Christmas Party ng Metro Manila Film Festival 20016 ng, “Inalis ka..hindi ako nagagalit.” Makahulugan ang tinuran na ‘yun Superstar.

READ MORE:  Allen Dizon, Best Actor sa 13th Salento International Film Festival

“Mabait naman ako kaya lang may oras na hindi ako napipigilan,” dugtong pa niya.

Anyway, ayaw pag-usapan sa grand presscon ng Oro ang pagkakatsugi ni Ate Guy.

READ MORE:  Female starlet, tinga lang sa mga accomplishment ni Mother Lily

Hindi tuloy malinaw sa amin kung totoo ang chism na nakuha na umano ni Nora ang buong TF niya sa pelikula pero ayaw daw ibalik. How true?

Totoo rin ba ang tsismis na pagbalik ni Ate Guy sa Maynila ay ayaw na niyang bumalik sa Caramoan?

READ MORE:  Jerome, ine-enjoy si Loisa

Sino kaya ang puwedeng sumagot ng mga katanungang ito dahil ayaw naman ng produksiyon ng Oro na maging sentro pa ito ng isyu.

Official entry ng MMFF ang Oro kalaban ang Kabisera na entry ni Ate Guy sa MMFF.

TALBOG – Roldan Castro

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved