Friday , September 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Dating Cong. Romualdez, malapit sa mga PWD
Dating Cong. Romualdez, malapit sa mga PWD

Dating Cong. Romualdez, malapit sa mga PWD

MALAPIT sa puso ng mag-asawang ex-Congressman Martin at Yedda Marie Romualdez ang mga PWD (Persons With Disabilities) kaya isinama nila ang ilan sa kanila sa meet the entertainment press noong Sabado sa Annabel’s Restaurant.

Sabi ni Mr. Martin, ”Ito ang personal advocacy natin to further the interest of Persons With Disabilities. We’re happy and glad to have our law, The Expanded Magna Carta for Persons With Disabilities signed into law and just last month, through all the efforts of those our friends and I would like to make a special mention to the congresswoman of the First District of Leyte, Yedda Marie Romualdez for helping us and the Implementing Rules and Regulations signed.

“We have other issue like the actual provisions from the Department of Health refined further. We are working hand in hand with the representative of Mercury Drug to provide better services, better privileges like discounts, the Value Added Tax exemption aligning to this law.”

Nagpasalamat din nang husto ang dating kongresista sa mga suportang ibinigay ng entertainment press sa kanya at sa pamilya nito nang kumandidato siya bilang senador noong nakaraang eleksiyon.

Kung mabibigyan ng pagkakataon, gustong kumandidato muli ni Martin sa 2019 hindi lang para sa kababayan nating PWDs kundi sa iba pang marginalized sector ng society.

May ipinasang batas si Mr. Romualdez na pasok ang benepisyong VAT exemption, dagdag na 20% additional discount sa specific goods and services at maximum na 32% discount sa piling goods at services.

Lahat ng Filipino at dual citizens na rehistrado sa bansa ay kasama sa benefits ‘pag PWDs.

Kapag naayos naman ng Department of Health ang Implementing Rules and Regulations ng mga gamot na para sa mga kababayan nating PWDs ay kaagad namang ipatutupad ng Mercury Drug base sa esplika ng representative nito na present din sa event.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved