Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ian, lalong sumasarap at bumabata habang nagtatagal
Ian, lalong sumasarap at bumabata habang nagtatagal

Ian, lalong sumasarap at bumabata habang nagtatagal

MAIKOKOMPARA sa alak si Ian Veneracion na habang tumatagal ay lalong sumasarap. At sino ba naman ang hindi magtitilam-tilam kay Papa Ian eh napanatili niya ang freshness at kaguwapuhan.

And take note, habang pataas ng pataas ang edad nito, pababa naman ng pababa ang mga edad ng kanyang leading ladies, mapa-teleserye man o pelikula.

Nag-umpisa siya kay Jodi Sta. Maria na nasundan ni Angelica Panganiban sa Pangako Sa ‘Yo 2 at ngayon naman ay sa bagong teleserye ng ABS-CBN, A Love To Last na mapapanood na sa Primetime sa January 9, na mas bata ang leading lady, si Bea Alonzo.

Noong una ay medyo nagkakailangan ang dalawa lalo na noong storycon pero nang mag-umpisa na sila ng taping (na kinunan pa sa Germany) ay nakapagpalagayang-loob na ang dalawa.

READ MORE:  Ariella Arida, nagmukhang grade schooler sa pagho-host

At may natuklasan pa sila sa kanilang mga sarili. Pareho silang alaskador. Madalas na inaalaska ni Bea si Ian (dahil sa edad nito pero ‘di naman halata dahil fresh na fresh at super guwapo pa rin ni Ian) at siyempre pa, gaganti naman si Ian.

Sa ginanap na presscon ng A Love To Last  noong Huwebes ay may nagbiro pa na baka sa susunod na teleserye ni Ian ay si Julia Barretto na ang ipareha (na gumaganap na kanyang anak sa A Love To Last).

Walang masasabing kontrabida sa teleserye. Basta umaayon lang ito sa araw-araw na takbo ng buhay na minsan ang isang tao ay nakagagawa ng masama, minsan ay nakagagawa naman ng mabuti.

READ MORE:  Kristoffer Martin, malamig ang Pasko!

Kasama rin dito sina Iza Calzado, JK Labajo, Enchong Dee, Ronnie Alonte,Hannah Vito at iba pa  sa direksiyon nina Jerry Lopez Sineneng at Richard Arellano, Henry Quitain, Creative head sa ilalim ng pamumuno ni Lourdes De Guzman. Ang Star Creatives ay pinamumunuan ni Malou Santos.

Bea, inakalang pa-star

Samantala, inakala pala ni Ian noon na pa-star si Bea dahil sikat nga pero mali pala siya dahil down to earth at marunong makisama ang aktres.

Ang huling teleserye ni Bea ay ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon kasama siPaulo Avelino na ipinalabas three years ago.

Naalala ko na, ito ’yung teleserye na laging nakahubad si Paulo Avelino habang gumagawa ng tsokolate.

Pag-ibig ni Bea kay Zanjoe, hindi raw nawala

SAYANG at hindi tumagal ang pagmamahalan nina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo. May nagtanong kasing press tungkol sa naging relasyon nila rati pero ang sabi ni Bea, hindi naman nawala ang pag-ibig niya kay Zanjoe, nag-transform lang daw ito into something. Kung anuman iyon ay hindi na idinetalye ni Bea.

READ MORE:  Aktor, ‘boytoy’ ng isang retired Japayuki

Ang sabi ni Direk Jerry Sineneng, maski siya habang idinidirehe ang dalawa ay kinikilig din.

Grabe kasi ang lakas ng chemistry ng dalawa.

Tinaong ng press kung ano ang teleserye na papalitan ng A Love To Last sa January 9 pero ‘di raw muna puwedeng sabihin pero mukhang alam ko na kung ano iyon.

Pero ayaw ko ring isulat, gagayahin ko ang cast ng A Love To Last, hahahahaha.

MAKATAS – Timmy Basil

COMMENTS

About Timmy Basil

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved