Tuesday , April 13 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sylvia, kabado sa pakikipag-date ni Arjo
Sylvia, kabado sa pakikipag-date ni Arjo

Sylvia, kabado sa pakikipag-date ni Arjo

SINAMAHAN ni Sylvia Sanchez ang anak na si Arjo Atayde sa ginanap nitong Axe Black Concept Store sa Unit 27 Apartment Bar and Café, Icon Plaza Building, 26th street corner 7th street Bonifacio Global City noong Biyernes.

Binuksan sa publiko ang Axe Park noong Sabado at Linggo, Nobyembre 12-13 (11:00 a.m.-6:00 p.m.) na may temang is At leisure na makikita ang mga gamit ng taong mahilig sa sports tulad ng towels, water jugs, caps, bomber jackets, football shoes, at iba pa na puwedeng bilhin.

Ang kapatid ni Arjo na si Ria Atayde at pinsan nitong si Martin Atayde, at kaibigang si Landon Leoncio ang nag-ayos ng Axe Black Concept Store ng aktor.

Suportado si Arjo ng buong pamilya niya kaya lang ang nanay niyang si Sylvia, Mamita Pilar Atayde, pinsan, at mga kaibigan lang ang nakarating sa event dahil may kanya-kanyang lakad ang mga kapatid at ang daddy Art naman ng aktor ay may importanteng meeting na hindi puwedeng ipagpaliban.

Si Ibyang na kagagaling ng taping ay umuwi at nagbihis lang para puntahan ang anak, kuwento nga niya,  “maski sabihin nating abala rin ako sa trabaho ko, hindi naman natatapos ang pagiging nanay ko sa mga anak ko.  Biglaan nga ito, kasi nito lang sinabing may ganitong event si Arjo kaya si Ria nataranta kasi may tapings din siya ng ‘Wansapanataym’ (Holly and Mau), eh, siya ang nag-asikaso ng design ng Axe concept store ni Arjo, so hindi niya kakayanin.”

Nakorner ng ilang entertainment press si Sylvia para hingan ng komento tungkol sa babaeng nagpapangiti ngayon sa anak.

“Pagdating sa love life ni Arjo, hindi ako nakikialam, pero alam niya na marami akong bilin sa kanya na seryosohin muna niya ang career niya.

“Parati kong sinasabi sa kanya (Arjo), ‘anak, pangarap mo itong showbiz kaya pagbutihin mo, seryosohin mo, marating mo muna ‘yung gusto mo, mag-ipon ka, kung narating mo na at marami ka nang ipon o stable ka na at kaya mo ng magpakain ng sarili mong pamilya, then go ahead,” katwiran ni Ibyang.

Grabe nagde-date palang, pag-aasawa na kaagad ang iniisip ni Nanay Gloria (karakter niya sa The Greatest Love), “ha, ha, ha sinasabi ko lang mga bilin ko kay Arjo. Wala namang problema sa akin ang dating-dating, okay lang ‘yun, kailangan din naman niya ng love life, ‘yun nga lang, mag-iingat siya. Alam mo na ibig kong sabihin, kasi isang pagkakamali lang, mawawala ka na.

“Huwag na siyang (Arjo) tumulad sa akin noon na ilo-launch na sana ako sa first solo movie ko, eh, bigla akong nabuntis kay Arjo, eh, ‘di nawala ‘yung stardom ko, heto after 27 years ar saka palang ako nagbida.

“Pero walang pagsisi ‘yun kasi gumanda ang buhay ko noong nagka-pamilya ako, may mga dinaanan mang hirap, masaya ako kasi kompleto ang pamilya ko,” tumatawang sabi ng aktres.

At ang mahigpit na bilin ni Ibyang pagdating sa mga magiging karelasyon o karelasyon ng mga anak, “dapat marespeto sa pamilya ang bata, mabait, marunong makisama at huwag bitch dahil kung bitch siya, aawayin ko siya.”

MADALAS MAG-CLASH AT TAWAGANG ‘OGAG’

Natanong din kung bakit ‘ogag’ ang tawag ni Ibyang sa anak.

“Guwapo Ogag tawag ko, guwapo na gago (term of endearment).  Kaya ogag kasi pareho kaming ugali kaya nagka-clash kami.

“Nagka-clash na hindi nag-aaway o bastusan kundi nagde-debate kami, mahilig kaming mag-debate sa bahay, open kami sa ganoon, ‘yung saloobin mo, ilabas mo wala kaming lihiman, alam ng mga anak ko ang pinanggalingan ko, wala akong itinago sa kanila kasi alam ko na darating ang araw na malalaman din nila sa ibang tao o kaninuman.

“Like now, nag-showbiz sila, eh, ‘di malalaman din nila kung sino ako, so bakit ko itatago, baka kung itinago ko, tapos may magtanong sa kanila na, ‘don’t you know that your mom is a former bold star or sexy star’ eh, ‘di nagulat sila, nasaktan pa sila, off-guard sila, hindi nila alam ang isasagot. At least ngayong alam nila, hindi na sila magugulat sa lahat ng ipupukol sa kanila.

“Going back sa ogag, lambingan din namin ‘yun, hindi ‘yun negatibong dating. Tulad sa ‘The Greatest Love’, sabi ko kay Arjo, ‘anak, ikaw si Amanda (Dimples Romana)’

“Nag-react nga, sabi niya, ‘mom, OA (over acting) ka naman, hindi ako ganoon kabastos.’  Sabi ko, hindi ko naman sinabing bastos ka, ‘yung laging nagka-clash lang kasi ‘di ba, si Amanda at si Gloria, laging nagka-clash?

“Hindi ‘yun sa pagiging bastos at walang puwedeng bumastos sa akin sa mga anak ko, maniwala ka sa akin.  Hindi sila nakakapagmura sa bahay, bawal silang marinig na nagmumura sa bahay, ako lang puwede (sabay tawa).

“Tawag ko kasi sa mga anak ko, si Arjo-ogag, si Ria-Potpot, si Gela-Gelatin, si Xavi-Xavikok.

“At saka ‘yang si Arjo ‘pag naglalambing magte-text, ‘Ibyang, magluto ka ng tacos, darating ang mga kaibigan ko, lutuin mo ng masarap, ‘wag mo akong ipahiya, ha.’

“O kaya kapag nanalo siya ng award, sasabihin niya, ‘oh, Ibyang, may award ako, hahabulin kita.  Ilang taon ka na nga sa showbiz, 27 years? Ilan na awards mo?  Hahabulin ko ‘yan, five years palang naman ako, kaya kitang habulin, relaks ka lang.’ Ganoon ang bonding naming dalawa na biruan talaga,” mahabang kuwento ni Ibyang tungkol sa kanilang dalawa ni Arjo.

FACT  SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top