Friday , April 26 2024

Jay, ‘di kailangang magpaliwanag kung gumagamit o hindi ng droga

BELIEVE it or not, ni minsan ay hindi raw gumamit ng droga ang mahusay na aktor na si Jay Manalo. Pero may mga insidente raw na may mga nag/aalok sa kanya na gumamit ng ipinagbabawal na gamot.

Ani Jay sa presscon ng Celebrity Christmas Bazaar na proyekto ng magkaibigang Nadia Montenegro  at Arlene Muhlach (na ang beneficiary ay ang Damay Kamay  na gaganapin sa Nov . 13 – 14 at Dec. 3-4 sa BF Homes Phase 1 Gym Pilar Banzon St. Paranaque City) na kahit ang pagsisigarilyo ay late na n’ya natutuhan.

“May nag-alok sa akin, marijuana lang naman.

“Sabi ko, ‘Hindi, nagyoyosi na ako, baka mamaya ubuhin na ako.’

“‘Yung hindi mo siya tatanggihan na sasama ang loob niya.”

Handa ring magpa-drug test si Jay para patotohanan na hindi siya gumamit ng ipinagbabawal na gamot.

“Anytime, anywhere, any place, willing ako,” sambit niya.

Sa mga nag-iisip na gumagamit siya ng drugs, ito ang masasabi ni Jay:

“Hindi ko kailangang magpaliwanag sa buong mundo, sa buong Pilipinas, na never akong gumamit ng drugs.

“Bahala kayo kung anong isipin ninyo, basta ako mas kilala ko ang sarili ko.”

MATABIL – John Fontanilla

About John Fontanilla

Check Also

Jerome Ponce Krissha Viaje SemBreak

Jerome af Krissha nag-level up ang relasyon

SA pagsisimula ng Sem Break series sa Viva TV, masusubukan ang sinasabi ni Jerome Ponce na nag-level up na nga …

Kim Chiu Paulo Avelino Kylie Verzosa 2

Halikan nina Paulo at Kylie ikaseselos ni Kim

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAY kemistri naman sina Paulo Avelino at Kylie Verzosa as proven by their latest starrer …

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *