Friday , April 26 2024
shabu drug arrest

Chinese timbog sa drug bust

ISANG Chinese national ang nadakip ng mga tauhan ng Manila Police District sa buy-bust operation sa loob ng isang hotel sa Binondo, Maynila kamakalawa ng hapon.

Nakapiit sa MPD Meisic Police Station 11 ang suspek na si Zhao Xin Min, alyas Mr. Zhao, may-asawa, Chinese national, naka-check-in sa room 2032 ng Golden Phoenix Hotel, matatagpuan sa Diosdado Macapagal Avenue, Pasay City.

Ayon kay  Chief Inspector Leonardo S. Gutierrez, ng Station Anti-Illegal Drug ng MPD Station 11, dakong  5:30 pm nang madakip nila sa buy-bust operation ang suspek sa loob ng Lido de Paris Hotel sa Ongpin St., Binondo, Maynila.

Nabatid na 45 gramo ng shabu ang ibinenta ng suspek sa isang asset ng pulis.

Siyam pirasong sachet ng shabu na umaabot sa 45 gramo ang nakompiska ng mga pulis mula sa suspek.

( JSY )

About JSY

Check Also

Laguna Police Best Police Provincial Office Award CALABARZON

Sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan
LAGUNA POLICE PROVINCIAL OFFICE BEST PPO SA CALABARZON

Camp B/Gen. Paciano Rizal, Santa Cruz, Laguna – Muling nakamit ng Laguna Police Provincial Office …

Bulacan Police PNP

Sa Bulacan
MWP, LAW BREAKERS ARESTADO, DROGA AT BARIL KOMPISKADO

NAGSAGAWA ang Bulacan police ng sunod-sunod na operasyon na nagresulta sa pagkakakompiska ng ilegal na …

gun ban

Puganteng Chinese arestado sa ilegal na pag-iingat ng baril

INARESTO ng pulisya ang isang Chinese national dahil sa kasong illegal possession of firearms sa …

042424 Hataw Frontpage

Nagprotesta laban sa PUV modernization program
MANIBELA INASUNTO NG QCPD

ni ALMAR DANGUILAN  SINAMPAHAN ng sandamakmak na kaso ng Quezon City Police District (QCPD) ang …

fire dead

Nanay naghanap ng kahoy para panggatong
2 PASLIT NA MAG-UTOL NAABO SA SUMABOG NA TANGKE NG LPG

SILANG, CAVITE — Masusing iniimbestigahan ang pagkamatay sa sunog ng magkapatid na paslit base sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *