Saturday , April 27 2024
xi jinping duterte

PH, China may ‘friendly understanding’ (Sa Scarborough Shoal)

INILINAW ni National Security adviser Hermogenes Esperon, walang pormal na kasunduan sina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping para malayang makapalaot muli sa Panatag Shoal ang mga mangingisdang Filipino.

Sinabi ni Esperon, bitin ang naging pag-uusap kamakailan sa China nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jin Ping at hindi natalakay ang usapin ng teritorial dispute sa bahagi ng West Philippine Sea.

Ayon kay Esperon, malakas ang pananalig ni Pangulong Duterte na kapag nagkaharap sila ni President Jin Ping ay hindi na muling itataboy ang ating mga kababayang mangingisda sa Panatag Shoal, na siyang nangyayari  sa ngayon.

Sinabi ni Esperon, umiiral na ang pagrespeto ng China sa traditional rights ng ating mga mangingisda dahil muling naibalik ang pagkilala sa bahura o sa paligid ng panatag shoal bilang traditional fishing grounds.

Naniniwala si Esperon, malaking bagay ang pagtungo sa China ni Pangulong Duterte kamakailan para maibalik ang karapatan ng ating mga mangingisda na makapanghuli ng isda sa mayamang likas na yaman ng Scarborough Shoal.

About hataw tabloid

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *