Friday , April 26 2024

Kimerald fans, ‘di bumitaw; Kim, payag nang magpahalik kay Gerald

GRABE pa rin ang solid fans nina Kim Chiu at Gerald Anderson dahil habang nagpi-presscon para sa balik-tambalan nilang soap dramang Ikaw Lang Ang Iibigin ay nag-trending at number one sa Twitter ang mga litratong ipinost ng entertainment press na nasa event na may hashtag na, #KIMERALDISBACK.

Hanggang sa pag-uwi namin ng bahay bandang 12 ng hatinggabi ay trending pa rin dagdag pa ang hashtag na Ikaw Lang Ang Iibigin.

Kaya naman sobrang nagpapasalamat sina Gerald at Kim sa kanilang solid fans dahil hindi sila bumitaw pagkalipas ng pitong taong hindi pagsasama sa trabaho.

“Thankful pa rin kami dahil nandiyan pa rin sila (fans), that’s why were doing this and that’s  why iba rin ‘yung motivation na talagang I’m gonna give my 110% sa project na ito dahil kung hindi rin dahil sa kanila, wala rin kami rito.

“Sobrang thankful ako sa 10 years ng career ko and there’s so many things I wanna do pa and this is one of my bucket list kasi I wanted them to feel special na talagang nandiyan sila noong wala pa kaming alam sa buhay. At sabi ko nga, iba ang motivation namin sa project na ito,” sabi ng aktor.

“Nakagugulat kasi noong naging loveteam kami hindi naman uso ‘yang trending-trending na ‘yan, Pinoy Exchange lang kami (tumitingin), sa Friendster, so nagsisimula pa lang ang Facebook nandoon palang kami, pausbong pa lang kami, so parang it’s something new to look forward from this day on, and ‘yun nga, ‘yung reaksiyon ng mga tao hindi ko alam, kasi ngayon, in your face puwede na nilang sabihin sa social media kung ano ang reaksiyon nila, so parang were happy na excited sila (fans) and were happy na ito na ‘yun.  Sana mas marami pa silang i-look forward in the next few days,” pahayag naman ni Kim.

At dahil nag-trending na ang Kimerald ay tinanong si Kim kung paano niya ipaliliwanag sa KimXi fans na muli siyang nakipagtambal kay Gerald.

“Parang ‘wag na lang gawan ng isyu kasi kami po ni Xian (Lim) ay nagkakaintindihan po at nag-usap po kami na trabaho lang po ito and mayroon naman din siyang trabaho (pelikula), ‘yun nga with Coleen (Garcia), tapos mayroon po akong ito (serye).

“Wala naman po kaming isyu, malawak po ang pagkaka-intindihan naming dalawa ni Xian, and sana ganoon din po ‘yung KimXi fans dahil for six years kaming magka-loveteam ni Xian, parang utang namin sa kanila (KimXi) kung anuman po ‘yungachievements na nakuha po namin and then ‘yung mga award po namin together and masaya po kami sa suporta ng KimXi siyempre. And hinihiling namin na sana suportahan din kami individually ngayon,” paliwanag pa ng aktres.

Papayag ba si Kim na magkaroon ng kissing scene kay Gerald sa ILAI, “okey lang po kasi work naman po ito and then iba naman ‘yung trabaho sa personal na buhay,  masaya na po ako.”

Nabuo raw ang pagbabalik-tambalan ng Kimerald noong mapanood ng Dreamscape Entertainment head na si Deo T. Endrinal ang ASAP sa New York USA noong Setyembre at nakita niya ang magandang chemistry ng dalawa at feedback ng tao sa ibang bansa.

Hindi naman itinanggi ni Kim na noong una ay may agam-agam siyang tanggapin ang project kasama ang ex-boyfriend.

“Ako po, siyempre ‘pag um-oo po ako at humindi, mayroon naman ding iba’t ibang reaksiyon sa dalawang desisyon ko na ‘yun and siguro po it’s about time na rin. Ang luma na ng isyu.

“Noong panahon namin ni Gerald, walang Twitter, Instagram, walang social media noong magka-loveteam kami. Kaya kinakabahan po ako kung ano ang magiging reaksiyon ng tao, siyempre and I’m challenge to face kung anuman ang sasabihin nila,” paliwanag ng dalaga.

Sa panig naman ng aktor, sinabi nitong, “actually, nauna ako talaga sa project na ito noong nalaman ko na may element na triathlon kasi nagti-training naman talaga ako. Tapos nang malaman kong si Kim ang leading lady ko, hindi na excitement yung naramdaman ko, siguro very thankful. Actually as to speak, hindi ko alam ang sasabihin ko kasi this is a very special moment for me, the last time na nakatabi ko siya (Kim) sa ganitong event siguro 21 years old ako (27 na ngayon ang aktor).”

Akala kasi ng lahat ay imposibleng mangyari na ulit na magkatrabaho ang Kimerald.

“Ako naman, lagi naman optimistic kasi sabay naman kaming nagsimula, ang fans na sumuporta sa amin laging nandiyan at with her new fans, alam ko namang this is gonna big something for her (Kim) also kasi nakita ko ang dedication niya sa trabaho.

“Matagal ko na ring gustong makasama si Kim at imposibleng hindi kami magkakasama ulit kasi nag-start kami sa reality show at 10 years after, nandito pa rin kami.”

Kasama raw si Mr. M (Johnny Manahan) sa nag-push kay Kim na tanggapin ang project, “sabi ni Mr. M bakit hindi ko raw ‘di tanggapin ‘yung project kasi challenge raw ito sa akin since hindi na ako teenager, hindi na pa-tweetums, pa-cute,” dagdag pa ng aktres.

Samantala, ngayong araw, MIyerkoles ang first taping day ng Ikaw Lang Ang Iibigin at magkakaroon sila ng training ng triathlon sa Thailand.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *