Friday , April 26 2024

3 motorcycle riders tigok sa jeep

LA UNION – Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang tatlo katao nang masagasaan ng jeep makaraan magsalpukan ang dalawang motorsiklo kamakalawa sa bayan ng Bacnota, La Union.

Kinilala ang mga biktimang sina Jed Almodovar, 19, lulan ng isang motorsiklo; Leonardo Mendoza, nakasakay sa isa pang motorsiklo, at ang angkas niyang si Jerbel Diaz, 17-anyos.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, pasado 10:00 pm, sa Baroro bridge nang magbanggaan ang dalawang motorsiklo na magkasalungat ang direksiyon na nagresulta sa pagtilapon ng tatlong biktima.

Sa puntong iyon, dumating ang jeep na minaneho ni Ariel Ferdinand Dy kaya nagulungan ang mga biktima na humantong sa kanilang kamatayan.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

About hataw tabloid

Check Also

AFP modernization suportado ni Padilla

“MAGIGING maingay kami sa pagsusulong ng modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP), lalo …

Navotas MOU Makabata Helpline

Navotas lumagda sa MOU para sa Makabata Helpline

NAKIPAGKASUNDO ang pamahalaang lungsod ng Navotas akasama ang Council for the Welfare of Children (CWC) …

Bong Go Rex Gatchalian

DSDW chief sinabon ng senador

TILA NAKATIKIM ng ‘sabong walang banlawan’ si Department of Social Worker and Development (DSWD) Secretary …

UP PGH

Upgrade ng PGH inilatag sa SB 2634

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pag-upgrade ng mga serbisyo at pasilidad ng Philippine …

Laguna Police Best Police Provincial Office Award CALABARZON

Sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan
LAGUNA POLICE PROVINCIAL OFFICE BEST PPO SA CALABARZON

Camp B/Gen. Paciano Rizal, Santa Cruz, Laguna – Muling nakamit ng Laguna Police Provincial Office …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *