Wednesday , May 8 2024

Hashtag #aldubwedding humamig nang mahigit 4 million tweets (Kasalang Alden at Maine may komedya at kilig)

ANIMO‘Y totoo ang kasalan na naganap sa pagitan nina Alden Richards at Maine Mendoza sa Christ The King nitong Sabado sa KalyeSerye ng ALDUB sa Eat Bulaga.

Bukod kasi sa bride and groom ay kompleto ang entourage ng kanilang wedding kabilang na ang mga ninong at ninang na sina Helen Gamboa-Sotto, Joey de Leon, Mike Enriquez at Irma Adlawan.

Best Man si Rodjun Cruz at kasama ang The Baes, maid of honor na si Coleen Mendoza na totoong sister ni Maine, mga cute na flower girl sa pangunguna ni Ryzza Mae Dizon, ring and bible bearer na mag- kapatid na Baste at SamSam.

Si Vic “Bossing” Sotto ang gumanap na father ni Yaya Dub na si Dodong ang nagbigay ng kamay ng anak kay Alden at ang Donyang Lola na si Barbara Laticia Rockefeller Viuda de Faulkerson (Ai Ai de- las Alas) ang kasamang naglakad ni Alden sa white carpet at siyempre mawawala ba naman sa church wedding ng kanilang apong si Maine sina Lola Tinidora, Lola Nidora at Tidora na sina Jose, Wally at Paolo.

Dumalo ang classmates, friends, at pamilya ni Maine at naroroon rin ang naging ka-love triangle ng ALDUB na si Jake Ejercito na guwapong-gwapo sa kanyang barong.

Present ang Group Product Manager ng Magnolia Ice Cream San Miguel  Corporation na si Mr. Elmer Villasanta at ang EVP at Deputy Managing Director ng McDonalds Philippines na si Ms. Margot Torres.

Si Kuh Ledesma pala ang nagsilbing wedding singer at kinanta niya ang “When I Fall In Love” atbp. Kinanta ng mga batang choir ang themesong nina Maine at Alden na “God Gave Me You.”

Tumatak ang wedding vows ng dalawa na sinabi ni Maine kay Alden na, “Alden, mamahalin kita habambuhay” na sinagot naman ni Alden nang, “Maine yayakapin ko ang puso mo.”

O ‘di ba, naman sobrang nakakikilig!

Bongga at sosyal ang catering sa nasabing kasalan na pinagsaluhan ng bagong kasal at lahat ng guests.

Maraming nakatatawang eksena sa kasalang ito tulad ni Bossing sa suot niyang barong at style ng buhok at ang muntik-muntikan nang pagkakahimatay ni Tidora habang naghahalikan ang ikinasal.

Samantala humamig ng mahigit 4 milyon ang tweets sa hashtag nilang #ALDUBWedding.

Certified phenomenal gyud!

MAY KASALANG MAGAGANAP

SA “TILL I MET YOU”

NGAYONG OCTOBER 25

Matapos mabigyan nang pagkakataon at pagkatiwalaan ni Cass (Carmina Villaroel) para sa anak na si Iris (Nadine Lustre), nagpursige si Basti (James Reid) na ipakita sa nanay ni Iris na mahal talaga niya ang girlfriend at seryoso siya rito.

Ang bilis ng pangyayari dahil may magaganap na kasalan ngayong October 25 (Martes) sa Till I Meet You dahil sa real love na namamagitan kina Iris at Basti.

Pero teka ngayong nasa Filipinas ang daddy ni Basti na si Nestor (Zoren Legaspi) kasama ang kanyang stepmother na si Val (Angel Aquino) na may ipinatayong negosyo sa bansa, payagan kaya ni Cass, na dumalo sa kasal ng daughter at ng fiancé na si Basti si Nestor na kanyang nakarelasyon noon at kaniyang kinamumuhian hanggang ngayon?

At si Ali (Jc Santos) na bestfriend ng ikakasal, siya kaya ang tatayong Best Man sa Iris and Basti wedding?

Abangan ang wedding scene na ‘yan sa Till I Met You, na siguradong kakikiligan niyong lahat.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Claudine Barretto Daiana Menezes

Bahay ng magulang ni Claudine ninakawan, ina muntik ma-ER

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HALOS nalimas ang mga naggagandahang appliances na bago pa at …

Diwata Pares Rosmar

Diwata naiyak sa bahay, P1-M bigay ni Rosmar

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAIYAK at napababa ng closed van si Diwata nang iabot …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Heaven ginu-groom ng Viva para maging dramatic actress

HARD TALKni Pilar Mateo SUPER ang suporta ng MarVen sa tambalang Marco Gallo at Heaven Peralejo.  Na ipinadama sa mga …

FranSeth Francine Diaz Seth Fedelin

FranSeth wala pang dating, imposibleng mapalitan ang KathNiel

HATAWANni Ed de Leon NAKU ewan ko ba, iyon naman daw FranSeth ang siyang papalit sa KathNiel. Bakit …

Alden Richards Richard Faulkerson

Tatay ni Alden nagpa-SOS sa NBI; Blogger na naninira hahantigin

HATAWANni Ed de Leon NAGBIGAY na rin ng warning ang ama ni Alden Richards dahil sa mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *