Saturday , April 27 2024

Concert sa bar tinao kahit may bagyo (Mystica halimaw pa rin sa entablado)

 

SA kabila ng mga kinaharap na pagsubok, na halos wala na silang makain ng mister na indie actor na si Kid Lopez at pagkakasakit nang malala ng anak na si Stanley, muling pinatunayan ni Mystica na kahit naghihirap siya ngayon ay siya pa rin ang nag-iisang Rock Diva ng Philippine Music Industry.

Muli niya itong ipinamalas sa kanyang comeback concert last October 15 sa Raimer’s Resto Bar and Grill sa Pasig. Kahit masama ang panahon at patuloy ang pagragasa ng bagyong Karen sa Kabikolan na apektado ang Metro Manila ay tinao pa rin ang kanyang intimate show.

Yes halimaw pa rin si Mystica sa entablado at applauded ang lahat ng mga kinanta niya na majority ay jukebox songs nina late Didith Reyes na Bakit Ako Mahihiya, Geraldine’s Iniibig Ko Ang Iniibig Mo, Paano ni Dulce atbp.

Intact pa rin ang fans ni Mystica kasama ng diehard fan niya na japayuki na nakipag-jamming pa sa singer sa entablado.

Dahil marami ang natuwa sa performance ng “Split Queen,” ay marami ang nagbigay ng tip sa kanya kaya’t nagbiro siya na baka puwedeng huwag nang tanggalin ang kanyang tarpaulin dahil feel na niyang mag-show gabi-gabi sa naturang bar.

By the way, after niyang ma-feature sa “Front Row,” ng GMA-7 na loaded ng commercials at maganda ang rating ay may inquires na guesting at out-of-town show kay Mystica, ibig sabihin ay balik uli siya sa sirkulasyon.

Gustong pasalamatan ni Tikay (tawag namin sa bagong bff na Diva) ang number one fan na stand-up comedian na si Twity Bird na nakasama niya sa comeback show at performer ng Raimers Bar.

Si Twity ang muling nagbigay ng pagkakataon kay Mystica para masilayan uli ng kanyang fans.

We are happy for you Tikay, anak gyud!
Pamilya ni Arjo Atayde aa “FPJ’s Ang Probinsyano”

mga mamamatay tao, Albert wala nang kawala kay Coco Martin

Tanging si Verna (Agot Isidro) na lang na misis ng lider ng sindikatong si Tomas (Albert Martinez) ang hindi pumapatay ng tao sa numero unong action-drama series ni Coco Martin sa ABS-CBN Primetime Bida na “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Dahil pati ang anak niyang si Joaquin (Arjo Atayde) at biyenang si Don Emilio (Eddie Garcia) ay kapwa niya mamamatay tao.

Unang gumawa ng krimen sa pamilya ang daddy ni Verna na si Emilio na pinaslang sa pamamagitan ng baril ang matapat at matinik na pulis na si Pablo (Tonton Gutierrez) na ama ni Cardo at kambal na si Ador (parehong ginampanan ni Martin) na biktima ng salvage noon ni Joaquin sa isang manhunt operation.

Si Tomas na dahil sa pansariling interes ay walang awang binaril si Carmen na ikinamatay ng biyuda ni Ador na pinakasalan ni Joaquin.

Nasaan ang konsensiya ng pamilya Tuazon? Ngayon ay si Verna naman ang kanilang

pinahihirapan at pinaglilihiman na patay na sa ambush at nailibing ang anak nila ni Tomas na si Rachel (Belle Mariano).

Pero dahil kailanman ay hindi magwawagi ang kasamaan sa kabutihan ay unti-unti nang nadidiskubre ni Cardo sa pamamagitan ng star witness na si Janus del Prado ang demonic na character ni Tomas. Nakita ni Janus na siya ang pumaslang kay Carmen.

Magtagumpay kaya si Cardo na paaminin si Tomas sa salang ginawa o gagamit na naman ng connection para maitumba si Janus?

Abangan ang painit na painit na maaksiyong tagpo sa Ang Probinsyano na mapapanood gabi-gabi sa Dos pagkatapos ng TV Patrol.

As of presstime ay 39.8% ang rating ng serye sa Kantar Media: National TV Ratings!

Consistent sa pagiging number one sa primetime bida gyud!
VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *