Saturday , April 27 2024

Sophia Atayde, grateful sa PMPC sa nomination sa Star Awards for TV

LABIS ang kasiyahan ni Sophia Atayde nang ma-nominate siya sa 30th Star Awards For Television ng Philippine Movie Press Club (PMPC). Kasama sina Ayra Mariano (Poor Senorita, GMA 7) Dawn Chang (MMK – Kuweba, ABS-CBN 2) Kira Balinger (The Story Of Us, ABS-CBN 2) Miho Nashida (It’s Showtime, ABS-CBN 2) Yaki Saito (Parang Normal Activity, TV 5) Ylona Garcia (On The Wings Of Love, ABS-CBN 2) Ysabel Ortega (Born For You, ABS-CBN 2), nominado ang aktres para sa kategoryang Best New Female TV Personality.

Ito ay para sa Maalaala Mo Kaya para sa episode na Puno Ng Mangga. Sa naturang episode, gumanap si Sophia rito bilang si Fe, ang babaeng minahal at pinag-agawan ng magkapatid na sina Samson at Jeremiah played by Matt Evans at Joseph Marco.

Ano ang reaksiyon mo sa balitang ito?

“Nakakataba po ng puso na ma-nominate sa PMPC Star Awards. Nakakakilig kasi even just the nomination is such an honor already. To be recognized for something I worked hard on is a very nice feeling.

“Super nagpapasalamat din po ako sa PMPC sa pagpansin at nominate,” saad ng magandang anak ni Ms. Sylvia Sanchez.

Ipinahayag din ni Sophia na hindi niya inaasahan na darating sa kanya ang mga tulad nitong opportunities.

“Hindi po. Pinangarap ko po, pero hindi ko po inasahan. Nag-eenjoy lang po talaga ako sa ginagawa ko.”

Nagulat ka ba sa nomination mong ito? “Opo! Hindi ko po talaga alam.”

Ano ang reaction ng mommy mo sa nomination mo? Pati ng dad mo, ni Arjo at ng  kapatid mo?

Sagot ng aktes, “Hindi ko pa po alam reaction ni Daddy pero si Mommy and si Arjo po, proud and happy. Sabi pa nga po nila na okay na sa kanila na hindi sila manalo basta po ako manalo. Haha. Napaka-supportive.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *