Friday , April 26 2024

Mark Anthony, Krista at Sabrina M., nasa maaayos na kalagayan

MAAYOS naman ang kalagayan ni Mark Anthony Fernandez sa Station 6 ng Angeles City Police. Solo siya sa isang kulungan na para sana sa mga babaeng detainee. May kutson siyang hinihigaan, may electric fan at may sariling CR sa loob ng selda. Malaking kaluwagan na iyan kaysa mga siksikang selda ng ibang bilanggo. Pero siguro nga para sa isang kagaya ni Mark na hindi naman sanay sa ganoon, nasasabi niyang ang palagay niya nasa isang bartolina na siya.

Hinihingi nilang ilipat na siya sa provincial jail sa San Fernando, na  maaari raw siyang maglakad-lakad at makapaglaro ng basketball. Wala kasing itinakdang piyansa para sa kanya, bagamat siguro pagdating ng panahon ay hihingin din nilang payagan siyang makapag-piyansa, sa ngayon magtitiis muna siya sa kulungan. Anumang oras ay hinihintay naman maging ng pulisya ang panibagong commitment order mula sa korte kung ipalilipat nga si Mark sa provincial jail.

Kung iisipin, tama ang sinabi ni Robin Padilla, na dapat nang ipagpasalamat ang nangyari kay Mark kahit na nga nakulong siya. Tinakbuhan niya ang isang checkpoint, at marahil kung hindi siya nakilala, maaaring pinaputukan na siya ng mga pulis nang takbuhan niya ang mga iyon sa checkpoint.

Kung natatandaan pa ninyo, ganyan ang nangyari sa dating action star na si Eddie Fernandez, iyong tatay ng singer na si Pops Fernandez. Sinita siya sa isang checkpoint sa Makati, tinakbuhan niya iyon. Hinabol siya hanggang sa South Superhighway, at nang hindi pa rin tumigil, pinaputukan siya ng mga pulis na humabol at napatay doon mismo.

Nagharap sila ng kaso laban sa mga pulis na bumaril sa kanya, pero ewan kung ano na ang nangyari sa kasong iyon, dahil ang katuwiran nga, tinakbuhan niya ang check point. Suspect din si Fernandez noon sa droga, bukod nga sa siya ay isang ex-convict. Nakulong naman siya dahil nakapatay sila ng tao sa Quezon City noong araw.

Isa pa, talagang mahigpit ang pulisya riyan sa Angeles City. Diyan din nahuli ang isang PBB talent na may dala namang marijuana noong magkaroon ng 7017 Music Festival sa Clark. Hindi lang nila ibinulgar noon kung sino ang PBB talent na iyon bagamat alam din naman ng showbiz media kung sino ang nahuli, kasi nga menor pa. Bukod doon, ang nahuli naman sa kanilang marijuana ay nasa isang maliit na stainless case lamang. Hindi masasabing commercial quantity. Hindi isang kilo.

Kung natatandaan pa rin ninyo, mga pulis din sa Angeles ang nakahuli sa tiyuhin ni Mark na si Robin Padilla. Sinita rin siya sa isang checkpoint at nakitaan ng iba’t ibang calibre ng baril. Sinasabi ni Robin na iyon ay props lamang niya sa shooting ng mga ginagawa niyang pelikula. May sinasabi rin noon na iyon ay may permit ng ilang matataas na opisyal militar na ikinaila naman. Nakulong si Robin sa Muntinlupa ng tatlong taon dahil doon.

Kaya sa panahong ito na deklarado naman ng gobyerno na desidido silang tapusin iyang problema ng droga, aba eh dapat na mag-ingat na. Aminin na dapat kung sila ay hooked sa droga, mangakong titigil na at sumailalim sa rehab. Maaari pang maitago iyon at hindi masisira ang image nila.

Mas masama kung mahuhuli pa sila at malalagay pa sa media ang kanilang mga kuwento. Mas mahihirapan silang makabawi at masisira pa ang kanilang career. Marami pa riyan na talagang gumagamit ng droga, dapat nga siguro mag-isip na sila. Pero maganda nga lang, ang mga nahuhuli ay hindi naman talaga pinahihirapan. Sina Sabrina M at Krista Miller, pinagtanim lang ng gulay.

HATAWAN – Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *