Friday , April 26 2024

Sexy Star B, posibleng makalaboso; tagasagip ni Sexy Star A may problema rin

MATAGAL nang takbuhan ni Sexy Star B si Sexy Star A. Sa katunayan, si SS A ang nagbabayad sa upa ng nirerentahang bahay ni SS B. Maging ang gastos sa pagkain ay sinasagot din ni SS A, palibahasa’y mayroon naman silang pinagsamahan bilang magkaibigan.

Kamakailan, ang dating nananahimik na si SS B ay bumulaga sa mga pahayagan. Sangkot kasi siya sa isang napapanahong kaso.

Sa pagkakataon kayang ito’y sumaklolo pa rin kaya kay SS B si SS A? Mukhang malabo na yata itong mangyari.

May kinakaharap din kasing malaking problema si SS A sa kanyang personal na buhay. Ang lalaki kasing tagasagip din niya sa mga pinansiyal na pangangailangan ay posibleng hindi na niya maaasahan pa.

Da who sina Sexy Stars A at B? Itago na lang natin sila sa mga alyas na Lorena Paulate at Marina Selda.

( Ronnie Carrasco III )

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Jerome Ponce Krissha Viaje SemBreak

Jerome af Krissha nag-level up ang relasyon

SA pagsisimula ng Sem Break series sa Viva TV, masusubukan ang sinasabi ni Jerome Ponce na nag-level up na nga …

Kim Chiu Paulo Avelino Kylie Verzosa 2

Halikan nina Paulo at Kylie ikaseselos ni Kim

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAY kemistri naman sina Paulo Avelino at Kylie Verzosa as proven by their latest starrer …

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *