Friday , April 26 2024

Rita todo-akting, ayaw mapahiya sa asawang direktor

AGAW eksena ang aktres na si Rita Avila sa Wakas.

Siya ang tiyahin ni Arci Munoz na hindi sang-ayon sa pagmamahalan nito kay Jericho Rosales. Maluluma ang armalite sa ratsada niya kay Echo noong mahuling kasama ang pamangkin.  Mabuti na lang magaling ding actor ang ipinareha sa kanya, ang taga-Baguio City na si Justin Cuyuganna magaling na  kontrabida

Kahanga-hanga si direk FM Reyes dahil umpisa pa lang ng teseserye, kaabang-abang agad ang mga mangyayari.

Magaling umarte si Arci na look-alike ni Barbara Milano.

Mabuti at lumipat si Arci sa Kapamilya Network kahit paano napansin siyang bigla at gumanda ang takbo ng kanyang career.

Ayon kay Rita, ayaw niyang mapahiya sa kanyang kabiyak (direk FM) kaya todo ang acting na ginagawa niya. Nagulat nga raw si direk dahil magaling na kontrabida ang asawang book writer na ng mga babasahing pambata.

SHOWBIG – Vir Gonzales

About Vir Gonzales

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *