Friday , April 26 2024

Charo, nagdalawang-isip sa tomboy role kaya nag-workshop

NAKATSIKAHAN namin ang dating Presidente ng ABS-CBN 2 sa presscon ng Ang Babaeng Humayo na showing sa September 28.

Nagulat si Ma’am Charo nang sabihin sa kanya ni Direk Lav Diaz na mag-disguise siyang tomboy sa pelikula sa ikatlong meeting nila.

Tanong ni Ma’am Charo kung siya raw ba ang hinahanap para sa nasabing role? Kilala naman si Ma’am Charo na pang-beauty queen at modelong kumilos.

Sagot daw ni Direk Lav, magpapanggap lang naman daw ito at gayahin ‘yung porma niya ng pag-upo na may pakanto at walang pakialam.

Na-challenge si Ma’am Charo kaya nag-workshop siya sa nasabing eksena. Sinabihan din niya si Direk Lav na iedit na lang ‘pag napansin na pumipilantik na ang mga daliri niya.

Kabaligtaran naman ito sa role ni John Lloyd Cruz na nagsuot babae sa pellikula.

Ini-reveal din sa presscon ng Ang Babaeng Humayo na hindi nila sinabi sa cast kung sino ang bidang babae. Na-shocked na lang sila gaya ni  Cacai Bautista. Hindi raw siya makapagsalita noong nag-aalmusal siya sa Mindoro shooting at biglang dumating si Ma’ am Charo at binati siya ng good morning. Feeling niya ay si Virgin Mary ang kaeksena niya.

Talbog!

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Jerome Ponce Krissha Viaje SemBreak

Jerome af Krissha nag-level up ang relasyon

SA pagsisimula ng Sem Break series sa Viva TV, masusubukan ang sinasabi ni Jerome Ponce na nag-level up na nga …

Kim Chiu Paulo Avelino Kylie Verzosa 2

Halikan nina Paulo at Kylie ikaseselos ni Kim

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAY kemistri naman sina Paulo Avelino at Kylie Verzosa as proven by their latest starrer …

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *