Wednesday , June 16 2021
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Discrimination sa PAGCOR inirereklamo
Discrimination sa PAGCOR inirereklamo

Discrimination sa PAGCOR inirereklamo

MUKHANG mayroong kailangang kapain ang bagong Chairperson ng Philippine Amusement Gaming Corporation (PAGCOR) na si Madam Andrea “Didi” Domingo sa hanay ng mga empleyado at opisyal nito.

Matagal na pala kasing umiiral ang diskriminasyon at palakasan system sa PAGCOR.

Ang masama, kung sino ang tunay na nakatutulong at masipag magtrabaho, sila pa ang nababalagoong.

Sa isang burukrasyang nakasasawsaw ang mga politiko, asahan natin na marami ang naipapasok sa iba’t ibang ahensiya ng ating pamahalaan na ginamitan ng palakasan system.

Pero ang pinakamatindi, dahil ‘produkto’ ng palakasan system, nakapasok na nga nang walang kahirap-hirap, na-promote pa at ‘nang-apak’ ng mga karapat-dapat.

Sabi nga ng mga biktima ng palakasan system sa PAGCOR, kahit anong sipag, galing at pagsusumikap nilang mag-aral, butata ang “credentials” kapag umiral na ‘yung sistemang “si malakas at si maganda.”

At malamang, higit silang mababalewala kapag nai-privatized ang PAGCOR.

Ang pagsasapribado sa PAGCOR ay matagal nang naikukuwento sa atin ng ilang empleyado at opisyal diyan.

Sabi nga nila, “Kung ngayong nasa gobyerno ‘e nabibiktima pa sila ng palakasan system ‘e mas lalo na kapag pribado na. Malamang mga politiko at business oligarchs lang ang makinabang diyan sa PAGCOR.”

Anyway, sa taon 2023 pa naman daw puwedeng isapribado ang PAGCOR. Hindi raw maaaring lumampas sa 45 percent ang papayagang isapribado.

090916-pagcor

Ngayon pa lang nga laging nababalewala sa promotion ang mga rank & file kahit halos lampas-lampas sa pamantayan ang kanilang credentials.

‘Yun bang tipong na-o-overqualified sila sa tagal nang panahon na ibinuro ang kanilang karera.

Hindi raw kasi sila bata-bata ng kung sino-sino kaya sila ang ibinuburo.

Ang daming magagaling at qualified na maging casino operations manager (COM) pero dahil hindi bata ng kung sino-sino, sorry na lang…

Tiyak mabuburo na sila sa kanilang puwesto.

‘Yung isang nahuling nagsusugal sa Resort World at suspendido, aba ang premyo, promotion!

Wattafak!

Ganoon din ‘yung mga sangkot sa Ben Lui scam, acting COM pa rin at maging ‘yung kasabwat sa Bingo reselling scam.

Naku, Madam Didi Domingo, ayaw ni Presidente Rodrigo “Digong” Duterte nang ganyan…

Unsolicited advice lang po, Madam Didi, kumuha ka ng magagaling na intelligence group para hindi ka matsubibo ng mga nanghihimasok sa PAGCOR.

Ingat-ingat po, Madam Didi.

ILLEGAL PARKING
SA PLAZA LAWTON
AOR NG CITY HALL

090916-manila-city-hall-mtpb

HANDS-OFF ang Manila Police District (MPD) sa illegal parking sa Plaza Lawton.

‘Yan ang malinaw na sagot ni MPD director, S/Supt. Joel Coronel nang tanungin ng mga mamamahayag ang isyu ng illegal parking sa Plaza Lawton nang maging guest siya sa isang weekly news forum.

Ayon kay S/Supt. Coronel, hindi saklaw ng kanilang trabaho ang nasabing AOR.

Ito raw po ay nasa ilalim ng pangangalaga ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na pinamumunuan ng dating konsehal  na si Dennis Alcoreza.

‘Yun naman pala, no wonder kung bakit pirming maligaya si MTPB chief sa kanyang usual visitor.

Sikat na sikat ka nga pala MTPB chief kasi bukambibig ka lagi ng iyong usual visitor.

Kaya siguro hindi napapansin ni MTPB chief na prehuwisyong totoo ang illegal parking sa Plaza Lawton.

Ang baho at ang panghi-panghi, nagiging tambayan pa ng mga kahina-hinalang personalidad.

Kailan kaya maidudu-Duterte ‘yang illegal parking sa Plaza Lawton?!

ILAN MPD PCP TAHIMIK LANG!?
(ATTN: CPNP DG BATO DELA ROSA)

070316 MPD

MARAMI ang nagtataka sa pagiging ‘tahimik’ umano ng ilang MPD Police Community Precint (PCP) sa operasyon kontra illegal na droga na mahigpit na direktiba ngayon ng pamunuan ng PNP.

Mahigpit pa rin ang utos ni C/PNP DG Bato Dela Rosa sa pulisya na paigtingin pa ang kampanya laban sa mga pusher sa susunod na tatlong buwan.

Pero maraming pulis sa MPD HQ ang nagtataka na bakit mukhang mahina yata ang ng ilang PCP sa kanilang anti-illegal drug operations?

Ano raw ba ang mas pinagkakaabalahan nila gaya ng ASUNCION PCP, DELPAN-PCP at BASECO PCP?

Sa ASUNCION PCP, may isang alias TATA BUKOL EJWIN na mas nakatutok daw sa latag ng mga vendor at sa mga 1602 operator sa kanilang AOR?!

Pakisagot nga Kapitan Padilla!

Aba’y mahiya naman kayo sa inyong district director!

Galaw galaw!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top