DAVAO CITY – Emos-yonal na ipinaabot ni pre-sidential daughter Davao City Mayor Inday Sara Duterte ang masamang balita tungkol sa kanyang ipinagbubuntis.
Sinabi ng alkalde sa kanyang pagdalo sa change of command sa Task Force Davao, maaaring hindi na mai-lalabas nang buhay ang dalawa sa kanyang triplet dahil humihina na ang tibok ng puso habang patuloy ang paglaban ng isa pa.
Hinala niya, posibleng dahil sa stress sa trabaho lalo na sa nangyaring pambobomba sa lungsod ang dahilan.
Sa kabila nang kalungkutan, ipinahayag ng alkalde, dapat itong tanggapin dahil may responsibilidad siyang kaila-ngan harapin.
Napag-alaman, nasa ikatlong buwan na nga-yon ang ipinagbubuntis ng alkalde.