Wednesday , June 16 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Titang Ebeng, yumaman dahil sa kalyeserye
Titang Ebeng, yumaman  dahil sa kalyeserye

Titang Ebeng, yumaman dahil sa kalyeserye

TINULDUKAN na ng Eat Bulaga ang kalye serye na kinahuhumalingan ng marami. Bagamat may mga nagsasabing wala ng pupuntahan ang istorya dahil ‘yung yaya nilang si Maine Mendoza ay napaibig na ni Alden Richards.

So, minabuti ng magkakapatid na lola na mag-abroad na lang at iwanan ang alagang si Yaya Dub.

Maraming pinasikat at pinayaman ang kalye serye, isa na rito si Titang Ebeng na taga-Baliuag na gumagawa araw-araw ng old fashioned  na damit ng tatlong magkakapatid.

Mabuti nga raw at natapos na dahil wala siyang maisip na lumang estilo ng damit na gamit ng magkakapatid. Sinasabing phenomenon ang kasikatan ni Maine na hanggang ibang bansa ay hinangaan.

May humamon sa kasikatan nina Maine at Alden na kung talagang phenomenon ay bakit hindi subukang ipareha ang dalawa sa ibang artista naman.

Well, mapatutunayang sikat nga ang dalawa kung kahit kanino ipareha ay pipilahan sa takilya.

Sina Nora Aunor at Tirso Cruz lang ang may hawak ng karangalang love team sa matagal na panahon.

SHOWBIG – Vir Gonzales

About Vir Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top