Saturday , April 27 2024

Kabaitan ni Maja Salvador pinuri ng baguhang singer

PURING-PURI ng kakilala naming baguhang singer-pianist ang kabaitan ni Maja Salvador.

Nagkasama kasi sila ni Maja sa isang provincial show ng FPJ’s Ang Probinsyano at noong nasa venue na raw silang lahat ay hindi lang ang sumisikat na Kapamilya actor ang binati ng magandang actress kundi lahat sila kasama na ang mga back-up dancer.

Noong una, feeling raw ni singer dahil newcomer siya ay hindi siya papansinin ni Maja, pero nag-hi at smile raw sa kanya at nakipag-photo op pa.

Mas lalo raw nitong nakita ang magandang ugali ni Maja nang sabihan sila at yayain na pagdating nila sa Manila ay iti-treat sila ng dinner sa isang class na resto sa The Fort.

Shock, ang kachika naming mang-aawit sa presyo ng food sa pinagdalhan sa kanilang resto ng Kapamilya actress dahil super mahal daw talaga ang mga pagkain sa menu pero wala raw kay Maja dahil ang gusto niya ay mapasaya sila.

Dahil sa generosity at husay makisama, naging instant fan tuloy ni Maja ang nasabing new artist na ipinagmamalaki siya ngayon sa lahat ng kaibigan.

So ‘yung mga lumabas na negang issue kay Maja na kesyo pasaway at mahirap kausap ay pawang paninira lang.

Hay showbiz gyud!

TENTEN AT SERENA BATI NA SA “DOLCE AMORE”

Dahil sa bonding ng pamilya Ibarra at Urtola sa isang resort kasama ang lahat ng ampon nina Nanay Taps (Rio Locsin) at Tatay Dodoy (Edgar Mortiz) ay nagkabati na rin sa wakas ang magkagalit na sina Tenten (Enrique Gil) at Serena (Liza Soberano).

Matapos siyang iligtas ni Tenten sa pagkakalunod sa pool ay hiniling ni Serena sa dating boyfriend na sana ay magkaayos na sila at ayun nginitian siya nito na ang ibig sabihin ay peace na sila.

Ngayon, hinihintay na lang nang lahat ang pagbabalikan ng dating mag-sweetheart na pinaghiwalay ng komplikadong situwasyon.

Pero mangyayari pa kaya ito lalo’t hindi pa rin nagbabago ang desisyon ni Tenten na ipakulong ang poster mom ni Serena na si Luciana (Cherie Gil) pero walang kamalay-malay ang negosiyanteng binata na ‘yun pala ang tunay niyang ina?

Samantala si Hannah Conde (Franchesca Floirendo) pala na personal secretary ni Tenten ang siyang kasabwat ng tiyuhin (Alvin Anson) ni Gian Carlo (Matteo Guidecille) sa lahat ng pananakot kay Luciana.

Naghihiganti kay Luciana na may kinalaman sa pagkamatay ni Gian Carlo at pagkawala ng kanilang pera. Gusto niya na mamatay ang buong pamilya ni Luciana at Tenten.

Magtagumpay kaya sila ni Hannah sa pagsagawa ng krimeng binabalak?

Abangan ang lahat nang iyan sa mas intense na susunod na episode ng huling dalawang linggo ng Dolce Amore sa ABS-CBN Primetime Bida pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano na hanggang ngayon ay certified no.1 action-drama series sa primetime na sinusundan naman ng Dolce.

LOVETEAM NINA KENNETH MEDRANO AT TAKI SAITO UNTI-UNTI NANG NAKIKILALA SA “CALLE SIETE”

BUKOD kay Ryzza Mae Dizon at tambalang Eula Valdez – Christian Vasquez na gumaganap na pangunahing character sa family comedy-drama series na “Calle Siete,” unti-unti nang nakikilala ngayon sa morning serye, ang loveteam nina Kenneth Medrano at Taki Saito.

Tinatawag silang ngayong KenTaki o TaKen na parami nang parami na rin ang followers.

Sa latest episode ng Calle Siete, nakasento sa dalawa ang istorya. Ginawan ng isyu si Sushie (Saito) na nabuntis raw ng boyfriend si Jonas (Medrano) na ikinaloka ng tiyahin ni Sushie na si Marge (Rubi Rubi) pero tsismis lang pala ang lahat.

Nag-break ang dalawa dahil sa dalaga na hindi na kinakausap ni Marge. Pero mukhang ayaw sukuan ni Jonas ang pag-ibig niya kay Sushie kaya’t gagawin niya ang lahat kasama na ang pagsuyo sa tiyahin ng ex-gf para matanggap na siya nito sa magandang pamangkin.

Kasama ng mga kaibigan, hinarana niya si Marge pero hindi siya nagtagumpay.

Ano ang susunod na gagawin ng binata para matanggap na siya?

Subaybayan ang love story nina Jonas at Sushie sa Calle Siete na mapapanonood Lunes hanggang Biyernes tuwing 11:30 ng umaga bago mag-Eat Bulaga sa GMA-7.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *