Friday , April 26 2024

Jessy, naba-bash dahil ‘di muna nag-iisip ng sasabihin

KAGAYA rin iyan ng kaso ni Jessy Mendiola. Noong matawag siyang sexiest, sinabi niya ”talo ko pa si Pia Wurztbach”. Ngayon ipinaliliwanag niya na iba pala ang gusto niyang sabihin, pero ano man ang pakahulugan niya sa sinabi niya, ang lumabas ay iyon lamang narinig sa kanya sa video na sinabi niya.

Nagkataon din na hindi nagustuhan nga iba ang sinabi niya. Ikukompara ba niya ang sarili niya sa Miss Universe na nagbigay pa ng malaking karangalan sa bansa, samantalang siya ay sinabi lang na sexy ng isang sexy magazine rin?

Hindi rin nagustuhan ng mga tao ang nasabi niya sa social media tungkol kay Angel Locsin. Medyo off beat ang kanyang reaksiyon sa sinabi ni Angel na ”hindi ako kasali sa kanila” nang matanong iyon tungkol sa noon ay inililihim pa nilang relasyon nila ni Luis Manzano.

Hindi naman maikakaila na mas maraming followers si Angel kaysa kay Jessy, kaya na-bash siya ng katakot-takot.

Ngayon may nagsasabi pa na, ”ganyan pala siya. Ok lang naman pala na nasapak siya ni Enrique Gil noon sa loob ng eroplano.”

Kawawa rin si Jessy dahil sa nasasabi ng mga tao ngayon sa kanya, pero wala na siyang magagawa. Kailangang sikmurain na lang niya kung ano man ang naririnig niya. Hindi kasi muna niya inisip kung ano ang sasabihin niya eh.

HATAWAN – Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *