Thursday , August 28 2025

Paano kung local execs ang sabit sa droga?

MALAKING problema kung ang mismong local executives na namumuno sa mga lalawigan na may hawak ng kapangyarihan at pati ng pulisya, ang nasasangkot sa ipinagbabawal na droga.

Mantakin ninyong ayon kay Pres. Rodrigo Duterte ay hindi lang isa o dalawa kundi 27 local executives ang sabit sa droga. Hindi biro-biro ang bilang na ito at sapat na para mataranta ang mga nasasakupan nila.

Kaya naman pala sa halip na mapuksa ay lalo pang lumalakas at lumalawak ang impluwensiya ng droga sa mga lalawigan. Patuloy na namamayagpag ang droga dahil pati ang namumuno ay sangkot dito.

Marami sa mga damuho ay mula umano sa mayayamang pamilya. Akalain ninyong kilala pa nga raw nang personal ng Pangulo ang iba sa kanila.

Mabuti na lang at nagpahayag si PNP Chief Dir. Gen. Ronald “Bato” de la Rosa na sa oras na pangalanan ng Pangulo kung sino-sino ang mga damuhong opisyal na sangkot sa droga ay tatanggalan sila ng kapangyarihan para makontrol ang pulis sa kanilang nasasakupan.

Ayon kay De la Rosa, walang karapatan ang mga palpak na local officials na kontrolin ang pulisya sa kanilang lugar kung sila mismo ay nasasangkot sa droga.

Kung hindi makikipagtulungan ang mga local executive sa kampanya laban sa bawal na droga ay mawawalan din sila ng kapangyarihan sa mga pulis sa kanilang lugar.

Ang mga alkalde o gobernador naman ay kakasuhan ng “neglect of duty,” mga mare at pare ko, kung mabibigo silang harapin ang problema sa ipinagbabawal na droga sa kanilang nasasakupan.

Parusahan!

Putulin ang impluwensiya ng drug lords

MALALIM at malawak na talaga ang inaabot ng mga galamay ng mga hinayupak na drug lord sa ating kapaligiran kaya dapat na itong putulin.

Only in the Philippines lang nagaganap na kahit nakakulong ang drug lords ay patuloy pa

rin namamayagpag sa negosyong droga. At ito ay naging possible lang dahil sinilaw nila nang

malaking pera ang mga bantay sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa.

Malaking hakbang nang palitan ng puwersa ng Special Action Force (SAF) ang mga jail guard at nagpatupad sila ng panibagong paghihigpit sa loob ng kulungan.

Pero alalahanin na naging corrupt ang mga jail guard dahil nagbabayad daw ng P1 milyon ang mga damuhong drug lord sa bawat isang cell phone na ipinupuslit sa loob ng Bilibid.

Ito ang kanilang ginagamit para maipagpatuloy ang kanilang ilegal na negosyo.

Maaaring mahigpit ang SAF sa kasalukuyan. Pero hindi tayo nakatitiyak kung patuloy silang magiging tapat sa tungkulin o masisilaw rin sila sa alok na milyones ng drug lords.

Makabubuting ituloy ang balakin na ilipat ang pagkakakulong ng drug lords sa isang isla na walang signal para sa cell phone o Internet, mga mare at pare ko, upang tuluyang maputol ang pamamayagapag nila sa ilegal na droga.

Pakinggan!

BULL’S EYE – Ruther D. Batuigas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ruther D. Batuigas

Check Also

Firing Line Robert Roque

Isa pang panalo vs online gambling

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISANG linggo makaraang manindigan ang GCash laban sa online …

Dragon Lady Amor Virata

Salamat sa DSWD

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata DALAWAMPU’T DALAWANG ospital sa bansa ang tumatanggap ng guarantee …

Firing Line Robert Roque

China, tahimik lang; asar-talo

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NAKABIBINGI ang pananahimik ng China. At dinig ito ng …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Tambalang national gov’t, LGUs at NLEX tutugon sa  flood mitigation

PADAYONni Teddy Brul PINADALISAY ang pagtutulungan ng NLEX Corp., sa Department of Transportation (DOTr), Toll …

Sipat Mat Vicencio

‘Sandok’ ni Imee hindi lumusot kay Atty. Princess Abante

SIPATni Mat Vicencio KUNG makapanlait itong si Senator Imee Marcos, para bang walang kapintasan. Wagas …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *