Friday , May 14 2021
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Determinasyon at tibay ng loob
Determinasyon at tibay ng loob

Determinasyon at tibay ng loob

DALAWANG kataga para sa pagbabago ng mga durugista sa Filipinas.

Ito ang kinakailangan itanim ng drug users sa kanilang isipan, kung totoong ibig nilang magbagong buhay, para sa kanilang panibagong kinabukasan.

Matagal nang narco politics ang ating bansa. Sa wakas, naghulog na rin ang langit sa lupa, ng isang arkanghel in the person of President Digong Duterte, para sugpuin o lipulin ang mga salot sa ating lipunan na mga drug lords at drug traffickers buhat sa bansang China.

Tayong mga Pinoy din ang may kasalanan kung bakit lumala ang salot na drogang shabu sa Filipinas. We let these evils and corrupt politician exist including those corrupt journalists na ngayo’y mga multi-millionaire, including Ahan Chen from Chingkang, China. Makagat ka sana ng isang asong chekua na luka-luka.

Balik po tayo sa mga adik sa pagnanakaw, este mga adik sa drogang shabu atbp. Mahigit dalawang dekada na kaming lumalaban nina Capt. Reynaldo Jaylo sa pamumuno ng magiting na si Major General Alfredo Siojo Lim na ngayo’y alkalde ng lungsod ng Maynila sa mga salot na pusakal na kriminal lalo’t higit sa mga tongpats na mga drug lord atbp salot sa lipunan.

Umabot sa 69 ang naitumba ni Pareng “Batas” Rey Jaylo na mga salot sa lipunan, 19 killings lang si Afuang, (salvage of hardened drug syndicate not included)

Tapatan po iyan.  Who’s next? Lord patawad!

LOOKS WHO’S TALKING AGAIN?

Ayon kay Sotto, bespren ni Alfredo Tiongco, dalhin sa isang isla ang mga mahuhuling drug lord para raw kuno walang komunikasyon sa mga tongpats na corrupt na opisyal ng senado, este gobyerno.

Magpakatotoo ka Sotto!

Hambog!

Remember the name Alfredo Tiongco, bayan?  When the CPNP then, was General Panfilo M. Lacson, now again senator-elect”Congrats 71″ mabuhay ka!

Halos dalawang dekada na ang nakalilipas nang i-raid ng joint team ng PNP at NBI ang isang compound sa Q.C. na pag-aari ni Alfredo Tiongco, bespren ni Senator Tito Sotto.

Isang batang paslit ang napatay noon, na ang pangala’y Lacsondin sa raid na ‘yon, sa compound ng drug manufacturer Alfredo Tiongco.

Halos isang drum na amphetamine, pantimpla sa paggawa ng shabu ang nakompiska.

Agad tumakas si Tiongco patungong Hong Kong at agad din sinundan noon ni General Panfilo M. Lacson ang @#$%^&*()! manufacturer sa Hong Kong at matagumpay na naibalik ang buwakang inang si Tiongco sa Filipinas.

Kamukat-mukat po ninyo bayan, dismiss sa RTC Judge sa Q.C. ang asunto. Ang rason sa pag-serve ng SW o Search Warrant ay palpak? What’s happening to our country?

The soul of Pepsi Paloma is crying for justice up to the present.

MAHILIG BA SA SILING LABUYO SI DOJ SECRETARY LEILA DE LIMA

Mahilig sigurong kumain ng maanghang na siling labuyo ang Ex-DOJ Secretary ng Kagawaran ng Katarungan.

Wow honorable senador sa Upper Congress.

Bakit po kanyo bayan? Para bang magkakasakit kapag hindi naibuka ang kanyang bunganga? Sa dahilan laging maanghang din ang mga lumalabas na pananalita sa nagbabagang bunganga ni De Leila, este, Honorable Senator.

Anong say po ninyo CHR Commissioner Etta Rosales?

Lord patawad! Makagat po sana kayong dalawa ng asong luka-luka.

HAYUP MAGMAHAL ANG MGA BABAENG LOVER

Sa buhay ng mga lalaki na may asawa. Super grabe, sa totoo lang po bayan, nagkakaroon tuloy ng sakit na amnesia ang karamihan sa kalalakihan na may mga asawa.  Bakit kanyo?  Kasi pati pangalan ng kanilang mga orig na MRS, hindi na alam at kapag nauwi sa bahay, naliligaw pa. Subalit, kapag bahay ng lover ang pupuntahan @#$%^&*()! yan, tatawag pa ng sweetheart, I’m on my way, be ready, patay kang babae ka.

Lalo na’t hayup pa sa ganda at masipag pa sa kama. Harangan man ng kanyon, kahit pugante ka pa que se hoda. Basta papa, sweet lover. Lalo na’t madatung. Hindi ba dirty old man? Remember Samson and Delilah? Bakit nawala ang lakas ni Samson? Hindi ba dahilan kay Delilah?  Dahilan sa sobrang sarap, pati buhok ni Samson pinutol ni Delilah. @#$%^&*()! Buhay ito, oo. Buwisit.

Dispensa po sa mga orig na asawa. Kayo kasi! Period. Bakit nahuli si Gringo Honasan, at iba pa? Hindi ba nanggaling sa kanyang lover? Na inihulog ng inggitera at chismosong kapitbahay? Tatalakayin po natin ang mga lover ng mga pilyong malilibog na dating gabinete ni citizen Noynoy. Umpisahan natin kay Candida, “Oh sweet candy.”

Abangan.

KONTRA SALOT – Abner  Afuang

About Abner Afuang

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top