Friday , April 26 2024

Sa tulong ng mga kapwa-artista muling ngumiti ang mundo ni Dick Israel

AFTER masunugan ng bahay sa Caloocan at maging viral ang video ng character actor na si Dick Israel sa kaawa-awang kalagayan ay bumuhos ang tulong kay Manong Dick ng mga kapwa artista sa pangunguna nina Nadia Montenegro, Vivian Velez, Angel Locsin, Bianca Lapus at marami pang iba.

Unang ginawa ni Nadia ay binigyan niya ng hotel accommodation si Dick upang makapagpahinga sa matinding stress na dinanas sa buhay simula nang ma-stroke noong 2010 at pinagkalooban rin niya ng bagong wheelchair.

Si Angel Locsin naman ay agad na hinanap ang location ng actor para iabot nang personal ang tulong niya rito at si Vivian Velez naman ay nagsagawa ng fund raising na ang lahat ng malilikom ay pantustos sa medical expenses ni Isarel. Nagbigay rin ng financial assistance ang city hall ng Caloocan.

Dahil sa pagbuhos ng biyaya mula sa mga kasamahang artista, ay muling ngumiti ang mundo ni Manong Dick na mas maayos-ayos na ngayong kalagayan.

Kapuri-puri ang mga ito gyud!

Sara nakulong dahil sa droga,
TUNAY NA PAGKATAO NG ANAK NA SI REBECCA MABUBUNYAG NA SA “DOBLE KARA”

Ayaw tantanan nang kamalasan sa buhay ang kambal ni Kara na si Sara (parehong ginagampanan ni Julia Montes)  sa “Doble Kara,” na ngayon ay pansamantalang nakapiit sa kulungan dahil sa drogang ipinain sa kanyang bag at siya ay pinagbintangang drug pusher. Dahil sa pangyayari pansamantalang magkakahiwalay si Sara at anak na si Rebecca (Krystal Mejes) na nasa poder ngayon ng kanyang pamilya at inaalagaan ng kapatid na si Kara at lolang si Laura (Mylene Dizon).

Labis itong ikinalungkot ni Sara pero wala siyang magawa kundi hintayin ang paglabas sa kulungan at makasama na uli sila ni Rebecca na ayaw rin mawalay sa kanyang mahal na ina.

Kasabay ng pagkakakulong ay gusto nang magpakaama ni Edward (Edgar Allan Guzman) kay Rebecca kahit kinamumuhian siya ni Sara at itinatangging siya ang ama ng bata ay handa siyang ipaglaban ang karapatan sa inaakalang tunay niyang anak.

Abangan at unti-unti nang malalantad sa “Doble Kara ang tunay na pagkatao ni Rebecca na siya ang nawawalang anak nina Kara at Seb (Sam Milby) at ang kapatid ni Seb na si Alex (Maxene Magalona), ang sikretong matagal na panahon niyang itinatago kay Kara. Kabado na si Sara at alam niyang ano mang oras ay puwedeng mawala sa kanya si Rebecca dahil hindi niya pag-aari.

Samantala, ang ampon naman nina Kara at Seb na si Hannah (Myel De Leon) ay patuloy sa pagmamaldita kay Rebecca dahil sa sulsol o impluwensiya ni Alex na hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang sobrang inggit sa kambal.

Mapapanood ang Doble Kara ng Dreamscape Entertainment tuwing hapon sa ABS-CBN Kapamilya Gold at ten months na sa ere ang nasabing melodrama TV series.

PAHINUNGOD FESTIVAL NG CARRASCAL  SA SURIGAO DADAGSAIN NG MGA SIKAT  NA SINGER

As part of the yearly celebration of the Pahinungod Festival of Carrascal, Surigao del Sur, Hon. Mayor Vicente VJ Hotchkiss Pimentel III has invited through Front Desk Entertainment Production the following artists on different dates to perform and grace their week-long fiesta celebration:

On July 11 darating sina Jaya with comic duo AJ Tamiza and Le Chazz for the opening salvo. The next day, July 12, gaganapin ang Michael Sounds Familiar in Carrascal with young music heartthrob Michael Pangilinan along with guests Morisette Amon, Boobsie Wonderland and Randy Santiago on live band accompaniment.

Sa July 13 naman ang dating nina Kyla, Marco Sison, Rowel Quizon (who replaced Hashtag Nikko Seagal Natividad dahil biglaan ang pagpasok sa PBB Lucky 7 Edition) and Imelda Papin para alayan ang mga taga-Carrascal ng kanilang magagandang awitin.

July 14 ang Band Night nila with Hale as special guest artists. Sa July 15 ang dating nina Billy Crawford, Solenn Heusaff, Pepay and Tammy Brown, the Quack Diva. July 16 naman ang pageant night nila with some celebrities as guest performers and judges.

“Sarap bumiyahe with a full band. For sure lalong mai-enjoy ng mga tao ang inihanda naming repertoire for them because we are performing on a live band accompaniment. Yayanigin ang plaza ng Carrascal sa July 12 kaya humanda na kayo. Ha! Ha! Ha!” excited na sabi ni Michael Pangilinan.

“Ilang beses na akong naimbitahan to perform sa Surigao del Sur and finally natuloy din. Lagi kasing may conflict sa schedule ko kaya di ako natutuloy. Now, tuloy na tuloy na,” ani Ms. Imelda Papin na paborito ng mga oldies doon.

Gaganapin ang event sa municipal plaza ng Carrascal, Surigao del Sur on those days kaya abangan!

BACK TO BACK – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *