Saturday , April 27 2024
Stab saksak dead

‘Chinese drug lord’ itinumba sa Tondo

PATAY ang isang Chinese na hinihinalang drug lord makaraan tadtarin ng saksak sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Ang biktimang hindi pa nakikilala ay tinatayang nasa edad 50-55 anyos, may taas na 5’9, katamtaman ang pangangatawan at nakasuot ng polo shirt at itim na pantalon.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO2 Charles Duran ng Manila Police District Homicide Section, dakong 4:40 a.m. nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa Delpan fly over north bound sa Tondo.

Natagpuan ang biktimang nakatali ng packaging tape ang mga kamay at may nakapatong na karton na may nakasulat na “Chinese drug lord Li Peng Hui.”

( LEONARD BASILIO, may kasamang ulat nina Kimbee Yabut at Joana Cruz )

About Leonard Basilio

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *