Saturday , April 27 2024

Yen Santos, pa-sexy na sa teleserye nila nina Gerald at Jake sa Dremscape Entertainment

KAHIT wala pang date, ang airing ng “Because You Loved Me” na isa sa mga bagong teleserye ng Dreamscape Entertainment, tuloy-tuloy ang taping ng lead stars and supporting cast sa Bulalacao, Mindoro na pinamamahalaan ng director na si Dan Villegas.

At sa kauna-unahang pagkakataon sa teleserye nilang ito nina Gerald Anderson at Jake Cuenca unang magpapakita ng alindog niya si Yen, at nang i-post ng Kapamilya aktres sa kaniyang Instagram Account ang kuha niyang naka-two piece ay umani agad ng maraming likes.

Pero ‘yung pagpapa-sexy ni Yen ay kailangan raw talaga sa istorya dahil mga triathlon athletes sila rito nina Gerald at Jake. Kapag sinabi mong triathlon ay kasama sa competition ang swimming so alangan naman magsuot ng shorts rito si Yen.

Noong presscon nila ay sinabi ni Yen na bukas siya sa posibilidad na magkaroon ng lovescene sa isa sa leading man na si Gerald at sumang-ayon naman ang actor rito. Hindi lang ang maganda at madramang takbo ng istorya ang dapat abangan sa

Because You Loved Me kundi ang magagandang tanawin sa Mindoro na ipinakita sa nasabing serye.

Panalo gyud!

ENRIQUE, IBINUNYAG NA KAY SERENA ANG KATOTOHANAN SA KANILANG NAKARAAN SA “DOLCE AMORE”

Hindi na maitago ni Tenten (Enrique Gil) ang kanyang nararamdaman para kay Serena (Liza Enrique) at inaming mahal niya ito sa isang matinding rebelasyon sa “Dolce Amore” na nag-trend sa Twitter at pumalo sa ratings.

Bukod din sa pag-aming si Serena ang naging dahilan ng paghihiwalayan nila ng ate niyang si Angel (Sue Ramirez), inamin din niyang nagkaroon sila ng relasyon ni Serena dalawang taon bago siya magkaroon ng amnesia.

“Ikaw pa rin ang mahal ko, Serena. Ikaw pa rin naman talaga, ikaw lagi. Ako ‘to, Serena, ang ‘Timon’ mo, ang buhay mo. Dalawang taon, Serena. Dati merong tayo, merong ikaw at ako,” bulalas ni Tenten.

May pag-asa pa bang magkaayos ang dalawa, ngayong alam na ni Serena ang masakit na nakaraan niya?

Kasabay ng pag-amin ni Tenten ng kanilang nakaraan ang pagsisiwalat din niya ng tunay na dahilan ng kanilang naging paghihiwalay – ang pag-kidnap sa kanya ni Binggoy (Kean Cipriano) kapalit ng ransom money para sa pagpapagamot ni Tatay Dodoy (Bobot Mortiz).

Ngunit hindi lang ito ang masakit na katotohanang malalaman ni Serena dahil aaminin sa kanya nina Uge (Andrew E) at Alice (Sunshine Cruz) na itinago rin ang katotohanan sa kanya ng mga mahal sa buhay sa Italya – sina Luciana (Cherie Gil) at ang fiancé na si Giancarlo (Matteo Guidicelli).

Sino na ang pagkakatiwalaan ni Serena ngayong alam na niyang niloko siya ng mga taong pinagkatiwalaan niya? Ano kaya ang gagawin ni Luciana gayong bistado na siya ni Serena?

Matagal nang inabangan ng mga manonood ang napipintong pag-amin ni Tenten kay Serena, kung kaya’t tinutukan ito ng buong sambayanan. Base sa datos ng Kantar Media, nakakuha ang naturang episode ng Dolce Amore noong Huwebes (Hunyo 2) ng national TV rating na 36.3%.

Panoorin ang number one kilig series sa bansa na “Dolce Amore” mula Lunes hanggang Biyernes sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Catch its latest episodes on iwantv.com.ph or skyondemand.com.ph for Sky subscribers. Panoorin nang libre ang latest episodes nito sa iwantv.com.ph o skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers. Para naman sa updates, sundan ang @realdolceamore sa Twitter at Instagram.

MARIAN RIVERA NAKAAALIW PANOORIN SA ‘YAN ANG MORNING TALKSHOW PILIT NA INIINTRIGA

Hindi namin madalas mapanood ang “‘Yan Ang Morning,” ang daily morning talkshow ng GMA Primetime Queen na si Marian Rivera kasama ang kanyang Bff na komedyanteng si Boobay.

Pero may isang episode si Yanyan na sobra talaga kaming naaliw sa kanya at sa dalawang guest na sina Niño Muhlach at Zoren Legaspi na ang topic noong araw na ‘yon ay tungkol sa “circumcision.”

Yes kahit na naturingang girl, ay buong husay na naitawid ng actress host ang pagtatanong kina Onin at Zoren kung kailan ba sila tinuli?

Napatili naman itong si Boobay na nag-interview pa ng mga batang tinutuli sa Barangay. Honestly hindi totoo ‘yung sinasabi ni Marian na nakukulangan pa raw siya bilang host na hindi nga raw niya forte, dahil para sa amin ay very natural ang style ng kaniyang hosting na very pleasant panoorin sa umaga.

Sino ba ang hindi maa-attract na tutukan ang show ni Yanyan ‘e ang ganda-ganda niya at sexy na parang hindi nagsilang ng sanggol.

Samantala may ilang reporter na tinitira ang ratings ng ‘Yan Ang Morning, na kesyo mababa raw at walang future. In fairness mataas ang rating ng programa at parami nang parami rin ang viewers nito.

At sa dami ng mga interesadong mapanood ito ay ini-request pa ng mga nanay sa pamunuan ng GMA-7 na mas paagahan ang timeslot na agad naman silang pinagbigyan.

So mula sa orihinal na timeslot na 10:45 am ay inyo nang mapapanood ang ‘Yan Ang Morning tuwing 9:30 ng umaga at weekdays pa rin.

Happiness ang handog nina Marian at Boobay gyud!

BACK TO BACK – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *