Friday , April 26 2024

Ibyang, wish na gumaling na si Tita Angge

00 fact sheet reggeeSA isang pribadong beach resort sa Punta de Uian, San Antonio, Zambales nagdiwang ng kanyang 45thbirthday si Sylvia Sanchez kasama ang pamilya, mga kapatid, at ilang malalapit na kaibigan.

Hindi nakasama ang dalawang anak ng aktres na sina Arjo at Ria Atayde dahil may mga taping ng FPJ’s Ang Probinsyano at Maalaala Mo Kaya.

Taon-taon ay iisa ang wishes ni Ibyang pero ngayong 45th birthday niya ay sobrang saya niya.

“Masaya ako Reggs, kasi ang mga anak kong sina Arjo at Ria, natupad na ‘yung pangarap nila, sana magtuloy-tuloy na sila. Ang asawa kong si Art (Atayde) steady lang ang negosyo, mga kapatid ko, pamilya ko sa Mindanao, in good health lahat.

“Siyempre sa career ko, steady lang din, okay na ako na hindi nawawalan ng projects, nagkaka-edad na rin kaya hindi na puwedeng lumagare nang husto. Kuntento naman na ako kung anong mayroon ako.

“Isa pang ipinagpapasalamat ko, hindi natitikman ng mga anak ko ang ma-bash. Mabait ang netizens sa mga anak ko kaya bilin ko talaga kina Arjo at Ria na huwag silang gagawa ng dahilan para ma-bash sila dahil makaaapekto ‘yun sa kanila, eh, siyempre nanay ako, ayokong makabasa ng hindi maganda, masasaktan talaga ako para sa kanila.”

May wish din si Ibyang para sa kanyang manager na si Tita Angge na nasa hospital pa rin hanggang ngayon.

“Nahihirapan ako, Reggs, nasasaktan ako for tita A kasi nakikita kong hirap na hirap na siya. Bahala na si Lord, pero sana magkaroon ng himala at gusto ko na siyang makakuwentuhan, nami-miss ko na ‘yung sigaw niya at pangungulit,” malungkot na sabi ng aktres.

Isa pang ikinasisiya ng aktres ay sa magandang feedback ng fantaseryeng Super Dad kasama sina Dominic Ochoa at Marco Masa handog ng Dreamscape Entertainment.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *