Friday , April 26 2024

Shaina, walang lugar ang pagtatampo

00 fact sheet reggeeBASE sa napanood naming advance screening ng pelikulang My Candidate na idinirehe ni Quark Henares produced ng Quantum Films, Buchi Boy, at MJM Films na ipalalabas na sa Mayo 11, magandang panoorin ito pagkatapos bumoto sa Mayo 9.

Totoo ang kuwento ni Shaina Magdayao na ibang-iba ang role niya sa My Candidate sa personal niyang pagkatao.

“Kasi kabaligtaran ko ‘yung karakter ko, magaslaw ako rito, may mga tattoo, nag-drugs maski hindi ipinakita, base sa kuwento, makulit. Totally iba sa mga ginagawa ko, kasi more on drama ako, ‘di ba? Rito komedyana na ewan, ilang na ilang ako, I hope nagampanan ko ng tama.”

Maski na nagkaroon na ng karelasyon si Shaina ay konserbatibo pa rin dahil kapag nakikita niyang naka-brief o naka sexy-short si Ketchup Eusebio bilang kaibigan niya ay halatang hindi siya komportable.

May dalawang kissing scene sina Derek Ramsay at Shaina at inabot daw ng take 7, susme wholesome nga ang nasabing halikan, inabot pa ng take 7?

Samantala, sa nasabing presscon ng My Candidate ay tinanong ang dalaga kung hindi ba siya nagtatampo sa ABS-CBN dahil ibang movie outfit pa ang nagbigay sa kanya ng lead role.

“Nagpapasalamat po ako na nabigyan ako ng opportunity ng Quantum Films. Ibinigay nila sa akin itong magandang break na ito and of course we’re always thankful sa lahat ng trabaho na natatanggap natin at I made sure na hindi po nila pagsisihan ‘yung pagpili nila sa akin.

“Ang motivation ko nga po rito is to do really my best to the people na who still believe in my talent and really trusted me. I hope hindi ko sila na-fail.

“Small role, big role ikaw man ang bida or supporting ka man, I still give my best kasi trabaho pa rin po ‘yun no matter how small the role is,” paliwanag ng aktres.

Dagdag pa, ”I want also to thank Mr. M (Manahan) for giving me a ‘go’ to do this project kaya nagpapasalamat din ako kay Atty. Jojie (Alonso) for this project and the people here who believes in my talent.

“Regarding sa sasama ang loob ko, kung sumama ba ang loob ko, would it be change anything , wala eh. So bakit mo pa iho-honor ‘yun? Why don’t just be thankful sa mga ganitong oportunidad,” katwiran ng aktres.

At 26 ay nananatiling single pa rin si Shaina at okay lang daw dahil hindi naman daw siya nagmamadali pang magkaroon ng relasyon.

Pero may mga nagpaparamdam naman daw, hindi nga lang inamin kung taga-showbiz, ”hindi na importante kung showbiz o hindi kasi sabi ko before ayoko ng showbiz, pero sa showbiz ako bumagsak, it doesn’t matter na lang siguro basta mabuting tao, who really treat me right. At saka seryoso akong tao kaya kung hindi rin lang seryoso ang guy, ‘wag na lang sasayangin lang natin ang oras at feelings, ‘wag na lang maging tao.

“So I’m really willing to wait for the right guy and I hope na ‘yung next eh, ‘yun na. Kaya preserve na lang natin ang sarili natin,” say ng aktres.

Ang ginagawa raw ngayon ni Shaina ay, ”sine-set up ko na ang retirement ko, ha, ha, ha, kailangan ganoon baka mamaya ako pa ang bumuhay sa lalaki (biro) niya.”

At kasosyo pala niya si Kris Aquino sa negosyo, ”nagbukas ako ng Potato Corner Nacho Bimby sa Promenade, kasosyo ko si ate Kris (Aquino) at target namin (with Kris), magbukas pa ulit ng tatlong (branches) more this year (2016). I also have a skin care line at may Ystilo Salon pa, so ‘yun ang mga inaasikaso ko rin,” kuwento ng dalaga.

Ang suwerte naman ng makakarelasyon ng aktres dahil bukod sa maganda’t mabait ang dalaga ay may mga negosyo na at siguradong hindi aasa.

Anyway, bukod kina Shaina, Derek, at Ketchup ay kasama rin si Iza Calzado saMy Candidate na mapapanood na sa Mayo11 pagkatapos ng eleksiyon sa Mayo 9.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *