Friday , April 26 2024

Ritz, bibigyan agad ng sariling teleserye ng Dreamscape

00 fact sheet reggeeKAYA naman pala guest star lang si Ritz Azul sa FPJ’s Ang Probinsyano ay dahil bibigyan siya ng Dreamscape Entertainment ng sarili niyang teleserye.

Yes Ateng Maricris, akala ko pa naman ay baka may twist ang role ni Ritz bilang Erica na siya ang leading lady na ni Joaquin o Arjo Atayde o kaya ay kapatid siya ni Carmen (Bela Padilla), hindi pala.

Anyway, kuwento sa amin ng aming source na may storycon si Ritz ngayong linggo para sa pagbibidahan nga niyang teleserye at tinanong namin kung sino ang leading man pero hindi kami sinagot.

Binanggit namin ang pangalan ni Paulo Avelino na posibleng maging leading man ni Ritz dahil bagay din naman sila at nabanggit din ng dalaga na gusto niyang makatrabaho ang aktor bukod kina Coco Martin at John Lloyd Cruz noong makausap namin siya sa set visit ng Ang Probinsyano.

Anyway, nabanggit sa amin na puring-puri si Ritz ng production staff ng Ang Probinsyano dahil masunuring bata at willing matuto.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Jerome Ponce Krissha Viaje SemBreak

Jerome af Krissha nag-level up ang relasyon

SA pagsisimula ng Sem Break series sa Viva TV, masusubukan ang sinasabi ni Jerome Ponce na nag-level up na nga …

Kim Chiu Paulo Avelino Kylie Verzosa 2

Halikan nina Paulo at Kylie ikaseselos ni Kim

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAY kemistri naman sina Paulo Avelino at Kylie Verzosa as proven by their latest starrer …

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *