Saturday , April 27 2024
Karla Estrada

Karla Estrada, humahataw ang showbiz career!

00 Alam mo na NonieBUKOD sa nalalapit na concert ni Karla Estrada, abala sa dalawang bagong TV show ang ermat ni Daniel Padilla. Ito ang Funny Ka, Pare Ko sa Cinemo at ang napapabalitang papalit sa time slot na iiwan ng TV show ni Kris Aquino sa ABS CBN.

Nabanggit din niyang ang other side niya bilang komedyante ang makikita sa bago nilang sitcom na tinatampukan din nina Bayani Agbayani, Jayson Gainza, at iba pang komedyante sa Dos.

“Ito ay makabagong interpretasyon ng mag-asawa. Dito sa mga bago nating komedyante, napagbigyan ng pagkakataon na maipakita ang kanilang talent sa pagpapatawa.

“I’ve been here for almost thirty years, ngayon lang ako nakikilala ng mga tao na nakakatawa pala ako sa kanila. So kailangan ninyong panoorin para mas makita ninyo kung sino kami na mga makabagong komedyante,” pahayag ng 39 year old na aktres/singer na kapipirma lang ng exclusive contract sa Kapamilya Network noong March.

Idinagdag pa ni Karla na hindi na niya pinalampas ang pagkakataon dahil matagal na raw niyang hinihintay ito. “Ito ang gusto kong role. Kasi sa totoong buhay, ako ay isang patawang tao.”

Pinag-isipan daw niya kung nakakatawa ba siya sa TV at sa tingin naman niya ay kuwela siya dahil natural ang atake niya pagdating sa comedy.

Nagbigay din ng patikim si Ms. Karla sa isa pa niyang bagong show. “Malapit na po. Malapit na malapit na. Pero mas abangan nila iyong aking concert sa April 13,” wika pa niya.

Ang concert ni Karla ay pinamagatang Her Highness: The Queen Mother Live in Concert at ito’y gaganapin sa April 30, 8PM sa Kia Theatre, Cubao, Quezon City.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *