Friday , April 26 2024

Joey, Aldub, Pauleen & Patricia pinarangalan sa 3rd annual EB Dabarkads awards 2016

PINANGUNAHAN nina Bossing Vic Sotto at Tito Joey de Leon bilang mga host ng 3rd Annual EB Dabarkads Awards 2016, katuwang sina Lola Nidora (Wally Bayola) at Tinidora (Jose Manalo).

Tulad ng mga naunang taon, naging matagumpay rin ang pagbibigay parangal sa EB Dabar-kads na mga nagsiganap sa Eat Bulaga’s Lenten Special sa mga episode na “Dalangin ng Ama,” “Kaputol ng Buhay,” “Walang Kapalit,” “Panata,” at “God Gave Me You,” na pinagbidahan nina Alden Richards at Yaya Dub Maine Mendoza kasama si Jake Ejercito.

Lahat ng kuwento ay nakapagbigay-aral sa mga manonood at pinuri ng critics ang performance ng majority ng mga star dito. At narito ang listahan ng mga nagwagi ngayong taon: Most Dramatic Performance of A Lead Star – Alden Richards for God Gave Me You; Darling of the Screen Awards-Maine Mendoza for God Gave Me You; Best Story of

the Year-Dalangin ng Ama ni Joey de Leon; Exceptional Performance in a Special Role – Pauleen Luna for Panata and Patricia Tumulak na itinanghal na Dabarkads Breakthrough Artist of the Year dahil sa husay ng performance sa Walang Kapalit kasama sina Allan K at Kenneth Medrano.

May special award rin na Dabarkads Choice Awards (na ibinoto ng fans sa Facebook fan page ng EB) na iginawad sa God Gave Me You episode na ipinalabas noong Holy Wednesday. Sina Direk Mel Chionglo, Professor and veteran actor Tony Mabesa, MTRCB’s board member Gladys Reyes, Manunuri’s Butch Francisco at dalawang estudyante na sina Anne Mangate at Christianne Deliguero ang mga tumayong

juros sa EB Dabarkads Awards at ginanap ito noong Sabado sa Broadway Studio.

To all the winners, congrats gyud!

ALAM NATIONALCHAIRMAN JERRY YAP AT PAHAYAGANG HATAW KINILALA NG KOMISYON SA WIKANG PILIPINO

Ang “Darling of the Press” ng PMPC Star Awards for Television ang isa sa mahalagang parangal na tinanggap, few years ago ng aming mabait at philanthropist na boss at kaibigang si Sir Jerry Yap.

Super deserving si Sir Jerry sa nasabing parangal, na mula noon hanggang ngayon ay hindi pinagbago ng panahon at nananatiling down to earth at humble sa kapwa.

Ngayong taon, ilang beses inihalimbawa ang pahayagang Hataw sa ilalim ng JSY Publishing ganoon na rin ang isa pang leading tabloid na Bulgar ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) dahil sa estandardisadong baybay ng piyansa (banner story sa Hataw) at eleksiyon (front page sa Bulgar).

Sa kanyang kolum na Bulabugin noong Pebrero 9 na, pinuna ni JSY ang matulain at napakatatas managalog na si Sen. Chiz Escudero ay hindi alam kung sino ang Ama ng Wikang Filipino.

Para sa kanya, malaking insulto ito kay Manuel Luis Quezon at Lope K. Santos.

Dahil dito, personal na lumiham si National Artist at KWF Chairman Virgilio Almario kay JSY para pasalamatan sa ipinakita niyang malasakit sa pagkilala sa mga bayani ng Wikang Filipino.

Ipinahayag din ng National Artist na nalungkot siya dahil bilang lingkod bayan, dapat ay maraming alam si Escudero sa Wikang Filipino.

‘Yan si Sir Jerry Yap, makabuluhan ang mga paksang tinatalakay sa kanyang kolum na Bulabugin, gyud!

PRESIDENTE LEONA JACINTO, GUSTONG MAKILALA NG MGA MAGULANG NI COL. OLIVER  GONZAGA SA “PRINCESS  IN THE PALACE”

Kahit pa marami ang hindi pabor sa masugid na panliligaw ni PSG Col. Oliver Gonzaga (Christian Vasquez) kay Madam Leona Jacinto (Eula Valdez) na gumaganap na pangulo ng Filipinas sa morning soap na “Princess in the Palace” ay hindi alintana ng binata.

Talagang ipinapakita niya lalo na sa mother ni Madam Leona na si Doña Victorina (Boots Anson Roa) na numero unong kontra sa kanya, na mahal niya ang dfalang Pangulo. At kung ayaw sa kanya ni Doña Victorina ay kabaligtaran naman sa mga magulang ni Col. Gonzaga dahil gustong-gusto nilang makilala ang hilaw na manugang na lider ng bansa.

Maipakilala kaya si Presidente Leona, na mukhang nagpapakipot sa kanya?

Abangan ang kanilang love story sa Princess in the Palace na mapanonood weekdays bago ang Eat Bulaga sa GMA-7.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *