Monday , August 19 2019
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Atty. Virgilio Mendez, one of the best NBI Director!

Atty. Virgilio Mendez, one of the best NBI Director!

KAKAIBA talaga sa lahat si Atty. Virgilio Mendez sa mga  naging NBI Director na may takot sa Diyos at talagang puspusan ang pagmamahal sa bayan.

Ako’y natutuwa at nasubaybayan ko ang career n’ya sa NBI.

Rose from the ranks siya. Ibang klase rin kapag magdisiplina kahit bata ka n’ya kapag nagkamali ka may kalalagyan ka!

Sa nalalapit na pagreretiro niya, marami siyang magagandang accomplishments at magandang alaala na maiiwan sa NBI.

Nakalulungkot lang na hindi na naipasa ang NBI modernization bill dahil nakita natin kung gaano n’ya ito sinuportahan at itinulak.

Hirap at pagod talaga pero siguro it’s the will of God.

Sa nakaraang NBI flag raising ay ipinaliwanag n’ya lahat kung bakit nagkaganoon ang panukalang batas pero sabi niya: “Jim I hope na maipasa ito para sa NBI  naman ito.”

Alam ng NBI employees kung ano ang mga ginawa ni Director Mendez sa NBI para sa kapakanan nila.

Isa na itong housing project ng NBI at pinangunahan pa mismo ni Pag-ibig Chairman Darlene Berberabe ang launching nito.  

Dir. Mendez is a man with a golden heart.

Ito lang ang masasabi ko sa iyo Director Mendez, Sir you’re the best at marami ang makaaalala sa ‘yo pag nagretiro ka na sa NBI.

Mabuhay ka sir at ang buong NBI. You’re the best!

God bless us all!

BOC-IG DepComm Jessie Dellosa

Hindi tayo nagpapalakas kay BOC-IG DepComm. Jessie Dellosa pero hindi maaring hindi ko siya papurihan sa kanyang anti-smuggling operations na naging matagumpay.

Nakita ko kasi kung paano siya magtrabaho at seryosong lansagin ang smuggling.

Ang TV na LED na lumalabas ay 2 hundred plus na tax lang ang binabayaran sa gobyerno pero 26 thousand pag bibilhin ‘yung TV. Magaling rin talaga si Gen. Dellosa. Kaya pala galit ang mga tiwaling importer at smuggler at kung ano-anong paninira sa kanya dahil nahuhuli niya ang modus.

Sa totoo lang, magaling talaga ang dating chief of staff ng AFP. Siya lang ang nakagawa na ayusin ang V. Luna Medical Center para sa mga sundalo.

Ayon mismo sa pinsan kong kaklase niya sa PMA Class 79 na si  Army Major General Pete Soria Jr., na dating RMO chief noong  panahon ni Gen. Dellosa na talagang straight at trabaho ang ginagawa nito.

Matagumpay at nabawasan ang pag hari-harian ng ilang customs corrupt officials dahil kay Dellosa.

Saludo tayo sa kanya!

So Long Amba…

My deepest symphathy sa pamilya ng aking dating boss  dahil doon ako nag-umpisa sa DWIZ  kay Ambassador  Antonio Cabangon Chua, Jr.

Sir nandiyan ka na at kapiling mo na si Lord, may you rest in peace.

About Jimmy Salgado

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top