Friday , April 26 2024

Julia at Miles parehong effective sa karakter na ginampanan sa “And I Love You So” (Kapamilya young stars no time muna sa lovelife)

LAST week ay nakausap ng entertainment media sa kanilang finale presscon ang apat na lead stars ng top-rating teleserye sa Kapamilya Gold na “And I Love You So,” na sina Miles Ocampo, Julia Barretto, Inigo Pascual at Kenzo Gutierrez na produkto ng PBB.

Nitong Martes ay nag-last taping day na ang isa sa teleserye ng Dreamscape Entertainment at sabi ay may nalungkot sa cast dahil magwawakas na ngayong Biyernes ang kanilang teleserye.

Well tinapos na ito dahil hanggang doon na lang ang puwedeng takbuhin ng istorya kaya kailangan na raw talagang tapusin o isara.

Samantala parehong pinuri ng press ang mahusay na pag-arte nina Miles at Julia sa serye lalo na sa confrontation scenes ng dalawa na umabot pa sa pisikalan.

“Ito ‘yung scene na naglalaro ng volleyball ang dalawa. Ang eksena ay nangyari sa volleyball court. ‘Yung parang masyado niyang dina-down ang nanay (ginagampanan ni Dimples Romana) ko. ‘Di ba ‘yung karakter ni Trixie (Julia), kapag ang mahal niya sa buhay ang inaapi ay lalaban talaga siya. Ito ‘yung time na sinabihan niya ang nanay ko na manggagamit tapos akala niya hindi ako lalaban. Sinampal ko ho siya. Sinampal din niya ako,” pahayag pa ni Miles na gumaganap na Joana sa And I Love You So.

Samantala isa sa inaabangan ngayon ay kung babait ba ang karakter ni Trixie na kinamumuhian ng televiewers sa kanyang pagiging salbahe sa soap.

Kuwento ni Julia mangyayari raw ito kaya dapat ay abangan raw ng kanilang manonood. Nang matanong naman sila ni Miles tungkol sa kanilang lovelife at kung na-develop ba sila sa kanilang partners na sina Inigo at Kenzo? Mabilis na sagot ni Miles, touchy lang raw si Inigo.

“Very touchy, super sweet kasi niya. Touchy in a way na hindi naman po ano. So ‘yun po, sweet talaga ni Inigo and siguro mas nag-ano (nag-level up) nga ‘yung friendship namin kasi noong mga bata pa ho kami, sa Quiapo lang kami nag-uusap at naglalaro. Ngayon, medyo seryoso na nga po, ‘yung pinag-uusapan namin,” paliwanag ni Miles sa mga kausap.

Hindi pa raw nagkaka-boyfriend ang batang aktres at may nanliligaw naman daw pero siya raw ang may ayaw. Si Julia naman ay diretsahang sinabi na walang nagaganap na hugging sa kanila ni Kenzo kina Miles at Inigo lang daw nangyayari ang ganoon.

Exciting rin abangan ang palaban na karakter ni Michelle (Dimples) sa mapang-aping si Katrina na ginagampanan ni Angel Aquino.

Mapanonood ang huling linggo ng And I Love You So sa ABS-CBN2 pagkatapos ng Langis At Tubig.

Tutok na hanggang ending gyud!

FIRST KISS NI ALDEN KAY MAINE MAY BASBAS NG TATLONG LOLAS, MAINE BINIGYAN NG MALAKING SELEBRASYON NG TAPE INC., SA KANYANG 21ST BIRTHDAY NA DINUMOG NG LIBO-LIBONG FANS

Libo-libong fans ang dumagsa sa Broadway Studio nitong Sabado, Marso 5 upang saksihan at suportahan ang malaking birthday celebration ng idol nilang si Maine Mendoza a.k.a Yaya Dub sa Eat Bulaga.

All the best ang ibinigay ng Tape Inc., sa kanilang phenomenal star para sa kanyang 21st birthday. Bukod sa sorpresa ng EB Dabarkads sa kanya kasama na ang production number ng tatlong lolas ni Yaya Dub na sina Lola Nidora, Tinidora at Tidora, at mga fan na naghandog rin ng kanilang number na ikinatuwa nang labis ng kanilang idol.

Siyempre pa ng kalabtim na si Alden Richards, na kahit kagagaling lang sa vehicular accident ay dumating para ibigay ang kanyang tatlong mga special na regalo kay Maine. Pero ang talagang ikina-surprise ng lahat ay ‘yung pag-kiss ni Alden sa labi ni Maine na sabi ay ginaya raw ng Pambansang Bae ang style ni bossing.

Well in good taste naman ang pagkakahalik ni Alden kay Maine na nakita nang buong pamilya ni Yaya Dub na present sa kanyang main event celebration kaya’t hindi naman nag-react at mukhang boto rin naman sila kay Alden lalo na ang mga kapatid ni Maine.

Sa nasabing event ay dumagsa ang napakaraming cake mula sa mga ini-endosong produkto ni Yaya Dub at birthday wish pala ng dalaga ay gustong makita nang solo ang pangalan niya sa big screen, na biro ni Lola Nidora, “Sige bukas na bukas ay magsu-shooting na tayo.”

More birthdays to come gyud!

DERRICK MONASTERIO KARANGALAN NA MAKATRABAHO SI DIREK LAURICE GUILLEN SA “HANGGANG MAKITA KANG MULI”     

Mapanonood na ang drama series nina Bea Binene at Derrick Monasterio simula ngayong araw sa GMA Afternoon Prime. First time makakatrabaho nina Derrick at Bea ang multi-awarded actress na si Direk Lauice Guillen na kilala sa paggawa ng mga dekalidad na pelikula at programa sa telebisyon. Tulad ni Bea, malaking karangalan rin para kay Derrick na makatrabaho si Laurice sa ano-ther team-up nila ni Bea sa “Hanggang Makita Kang Muli,” na inyo nang mapanonood simula ngayong araw, Marso 7 sa GMA Aftenoon Prime pagkatapos ng Wish I May.

Ayon kay Derrick, marami siyang natutuhan kay Direk Laurice lalo na pagdating sa pag-arte at malaki ang pasasalamat ng singer-actor sa GMA Network sa malaking opurtunidad na ibinigay sa kanya ng kanyang mother network. Samantala trailer pa lang ng drama series nila ni Bea ay matindi na ang feedbacks sa televiewers lalo sa mga eksenang nagmimistulang aso ang karakter ni Bea bilang si Ana na isang feral child na ikinulong ni Odessa (Ina Feleo) nang mahabang panahon kasama ng aso. Upang makapaghiganti ay inagaw ni Odessa si Ana sa mga magulang na sina Larry (Raymart Santiago) at Evelyn (Angelika dela Cruz). At sa pamamagitan ni Calvin (Derrick) ay makatat- a-kas si Bea sa po-der ni Ina. Ano ang magiging buhay ng dalaga ngayong nakalabas na siya sa mundo ng mga tao? Si Calvin na magsisilbi niyang night in shining armor ba ang magtuturo sa kanya para malaman niyang isa siyang tao? Ilang beses rin naghubad ng t-shirts si Derrick sa serye at excited ang mga girl at beki na mapanood ang aktor sa eksenang ito.

Abangan ang lahat nang ‘yan sa pag-uumpisa ng “Hanggang Makita Kang Muli.”

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Jerome Ponce Krissha Viaje SemBreak

Jerome af Krissha nag-level up ang relasyon

SA pagsisimula ng Sem Break series sa Viva TV, masusubukan ang sinasabi ni Jerome Ponce na nag-level up na nga …

Kim Chiu Paulo Avelino Kylie Verzosa 2

Halikan nina Paulo at Kylie ikaseselos ni Kim

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAY kemistri naman sina Paulo Avelino at Kylie Verzosa as proven by their latest starrer …

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *