Friday , April 26 2024

Echorsis star Alex Medina, heartthrob ng mga beki?

00 SHOWBIZ ms mBAKIT kaya kinikilig ang karamihan sa mga beki kapag nababanggit ang pangalan ni Alex Medina? Kaya naman pala ay magiliw ito at mabait sa mga beki. Okey din daw itong makipag-usap na hindi naiilang.

Si Alex ang lead star ng inaantabayanang horror-comedy film naEchorsis: Sabunutan Between Good And Evil na naging laman ng pantasya ng mga bading at sinasabing bagong “kilabot ng mga beki” o “gay heartthrob.”

“I like it…If being a gay heartthrob catches on eh ‘di sige okay…” ani Alex, anak ng magaling na actor na si Pen Medina. ”I am comfortable with the way I am that’s why I am not bothered. Nakaka-flatter s’ya actually.”

Ayon kay Alex, noon ay marami siyang natatanggap na mga indecent proposals sa social media mula sa mga beking tagahanga. Ngunit ang bilang ay dumalang simula nang dumami ang  mga proyekto niya sa TV at mga pelikula.

“Rati ang dami-dami kong natatanggap na indecent proposals pero lately wala na halos. Pero kapag may ganoong  messages, I just tell them ‘Sorry po, not my thing,’”  paliwanang ni Alex.

Sa Echorsis: Sabunutan Between Good and Evil, gagampanan ni Alex ang papel ni Carlo, isang matamis ang dila na gigolo na nasapian ng kaluluwa ng bading matapos mamatay ang dyowang si Kristoff (John Lapus).

Kabilang din sa pelikula ang Callalily vocalist na si Kean Cipriano bilang Father Nick, at ito at idinirehe ng critically-acclaimed filmmaker na si Lemuel Lorca at isinulat ni Jerry Gracio.

“Playing the role of Carlo is both fun and challenging. Mahirap ang role lalo na the physical side to it because you have to be in various personas at the same time,”  paliwanag pa ni Alex.

Sinabi pa ni Alex na mas natakot siya sa napabalitang sumpa sa paggawa ng horror films kaysa posibilidad na ma-typecast sa papel na gigolo.

“I heard stories that every horror film experiences real life horror stories.The process is somehow summoning the demons and evil spirits kaya baka magkaroon ng ‘curse’,” paliwanan ni Alex. “Mas lalo akong kinabahan nang may naramdaman kaming mga unexplainable incidents sa set sa Bulacan. Sabi ko, baka ito na ‘yun!”

Hahataw man sa pink market ang Echorsis, inaasahan ni Alex na panonoorin ito ng mas maraming Filipino na naghahanap ng matalino at bagong uri ng kuwento.

“Echorsis is about love and forgiveness. Matatawa ka nang husto pero lalabas ka sa sinehan realizing na nirespeto ka sa pelikula bilang isang matalinong manonood,” saad pa ng aktor.

Naging usap-usapan na ang Echorsis ilang linggo bago ito ipalabas sa mga sinehan sa Abril 13. Humakot na ng 2 milyong views sa Facebookang nakatatawang trailer nito at umani ng papuri mula sa mga manonood.

Kasama rin sa cast of Echorsis sina Alessandra de Rossi, Chokoleit, Kiray Celis, Mich Liggayu, Ruby Ruiz, Negi Negra, Bekimon, Nico Antonio, Francine Garcia, Odette Khan, at ang miyembro ng 1:43 boy band na sina Yuki Sakamoto, Anjo Resurreccion, Gold Aquino, atYheen Valero.

Suportado ang Echorsis ng BellaVita Land Corp. at McJim Classic Leather.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Barbie Forteza Jak Roberto

Jak at Barbie ‘di tamang pinaghihiwalay

HATAWANni Ed de Leon UNFAIR naman iyang sinasabing sana tuluyan nang magkahiwalay sina Barbie Forteza at Jak Roberto. …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nagsisi nang magpagupit ng buhok sa ibang bansa

MATABILni John Fontanilla MUKHANG pinagsisihan ni Maine Mendoza ang ginawang pagpapagupit ng buhok na maiksi sa ibang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *