Saturday , April 27 2024

4 Chinese drug dealer, 2 pa arestado sa P18-M shabu

022416 FRONTAPAT na hinihinalang Chinese drug dealer at dalawang iba pa ang naaresto ng Quezon City Police District-Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Group (AIDSOTG) at District Special Operation Unit (DSOU) at nakompiskahan ng anim na kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P18 milyon, sa buy-bust operation sa Maynila at Quezon City kahapon.

Sa ulat ni QCPD Director Edgardo Tinio, kinilala ang mga suspek na naaresto sa Maynila na sina Dixon Kee Yu, 35; Qian Li, alyas Joey Li, 39; Husni Balenti y Cana, 30; Simon Tan y Tuazon, 53; at  Amir Cana y Disomangcop, 27-anyos.

Ayon kay Tinio, nadakip ang mga suspek ng mga operatiba ng DAID SOTG sa pamumuno ni Chief Insp. Enrico Figueroa at Supt. Jay Agcaoili, hepe ng DSOU Unit, sa loob ng Harbor View Parking Lot, sa likurang bahagi ng Luneta Grandstand, Manila, dakong 6:30 a.m.

Nauna rito, halos ilang linggong minanmanan ng DIAD at DSOU ang mga aktibidades ng mga suspek bunga na rin ng impormasyon na malaking sindikato ang grupo na nag-o-operate sa Caloocan, Navotas at Malabon

Naresto ang grupo ng isang pulis na nagpanggap na bibili ng isang kilo ng shabu.  Naunang napagkasunduan sa transaksiyon na gagawin ang bentahan sa parking lot ng isang fastfood chain sa Quezon Avenue, Quezon City.

Ngunit para makasiguro ang mga suspek ay nagpalipat-lipat sila ng lugar hanggang humantong ang bentahan sa Maynila.

Sakay ng kanilang kotse, nagkita ang mga suspek at poseur buyer na pulis sa lugar. Nang makaabutan ng pera kapalit ang isang  kilo ng shabu ay inaresto ng mga operatiba ang mga suspek.

Sa pagsisiyasat, narekober sa dalawang sasakyan ng mga suspek ang apat pang kilong shabu na nakatakdang ibagsak sa ilan pa nilang parokyano.

Nakompiska rin ang isang Fortuner na may conduction sticker YU 3663, isang asul na Montero Sports (AQA-3092) at buy-bust money na halagang P1 milyon.

Samantala, ang isa pang hinihinalang Chinese drug dealer ay nadakip makaraan makompiskahan ng isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P3 milyon street value, sa Quezon City kahapon ng hapon.

Sa ulat ni Chief Supt. Edgardo G. Tino, QCPD Director, kinilala ang suspek na si Michael Ong, 38, tubong-Fukien, China.

Ayon kay Chief  Insp. Enrico Figueroa, hepe ng DAID, si Ong ay dinakip makaraan bentahan ng isang kilo ng shabu ang isa sa mga tauhan niyang nagpanggap na buyer dakong 3 p.m. sa harap ng Jollibee sa kanto ng Kamias Road at Anonas Road, Brgy. Malaya, Quezon City.

Bukod sa narekober na isang kilo ng shabu, nakuha rin sa suspek ang marked money na P1 milyon.

11 katao arestado sa buy-bust OPS sa Pandacan

ARESTADO ang 11 katao, kabilang ang isang babae, sa buy-bust operation ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa Pandacan, Maynila kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nadakip na sina Faustino Aquino, 62; Elizabeth Montalban, 43; John Oliver Abanes, 21; Roberto Bajesa, 41; Dominador Santos, 58; Sammy Elgano, 24; Lark Ocampo, 25; Rommel Balolong, 37; Meguelito Regalado, 30; Jose Rico Tolentino, 31; at Jonathan Apitan, 29-anyos.

Ayon sa ulat ni Supt. Edibelrto Leonardo, station commander ng PS 10 Pandacan, dakong 8 p.m. nang maaresto ang mga suspek sa pagsalakay ng mga awtoridad sa hinihinalang drug den sa 1901 Kahilum II, Pandacan, Maynila.

Ayon sa ulat, nakatanggap ng tawag ang pulisya kaugnay sa laganap na operasyon sa droga sa nasabing lugar kaya agad isinagawa ang pagsalakay ng mga awtoridad.

Narekober sa mga suspek ang 12 sachet ng shabu, anim pirasong silver foil, limang pirasong lighter, dalawang glass tube, P3,600 marked money, isang shot gun at isang paltik na baril.

Agad sinampahan ng kaso sa Manila City Prosecutor’s Office ang mga suspek.

Leonard Basilio, may Kasamang ulat ni Queeny Eval

About Almar Danguilan

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *