Saturday , April 27 2024

Trial sa Ortega Murder Case ipinatutuloy ng SC vs Reyes Brothers (Ex-SOJ Leila De Lima butata)

gerry ortegaMISMONG Supreme Court ay nasilip ang ‘pinasuwabeng’ pakikialam ni dating Justice Secretary Leila De Lima sa Ortega murder case na tila pumapabor sa mga dati niyang kliyente na sina Palawan ex- governor Joel Reyes at dating Coron Mayor Mario Reyes.

Alam ng publiko na dating abogado si De Lima ni Reyes kaya marami ang nagduda sa kanyang motibo nang magbuo siya ng panibagong investigating body na magsasagawa ng preliminary investigation matapos madakip ang Reyes brothers sa Phuket, Thailand.

Pero hindi nito nalusutan ang matalas na pang-amoy ng Supreme Court.

Inutusan na ng SC ang Palawan Regional Trial Court na ipagpatuloy ang paglilitis laban kina Palawan ex-Gov. Joel Reyes sa 2011 murder ng radio broadcaster at environmentalist na si Gerry Ortega.

Ibig sabihin, tuluyan na ngang ibinasura ng SC ang certiorari petition ni dating Justice Secretary Leila de Lima na kinuwestiyon ang preliminary investigation ng nasabing kaso.

Ayon sa Korte Suprema, nang maglabas ng arrest warrant ang trial court laban sa mga Reyes, nangangahulugan ito na naniniwala silang mayroong probable cause.

Kaya naman ang buong hurisdiksiyon ay isinasalin ng SC sa trial court na dapat na agad umpisahan ang paglilitis.

“Therefore, jurisdiction over the case had transferred to the trial court and the trial should proceed, the high court’s Second Division,” pahayag ni Associate Justice Marvic Leonen sa desisyon na kanyang isinulat.

Kaya naman malaki ang pagpapasalamat ng pamilya Ortega dahil hindi lang sila kundi marami pa rin ang hindi bumibitaw sa kaso ni Doc Ortega.

(Sana naman ay sumunod na rin ang iba pang kaso gaya nito).

Ngayong hindi na SOJ si Madam Leila, lumutang pa kaya siya diyan sa kasong ‘yan?!

Alam nating gagamit pa rin siya ng impluwensiya alang-alang sa kanyang mga kliyente. Naniniwala kasi si Madam Leila sa kasabihang, “It  pays to be loyal?”

‘Yun nga lang, hindi siya loyal sa sambayanan na ilang panahon ding nagpasuweldo sa kanya.      

Mas loyal siya sa mga Reyes.

Kaya sa mga naniniwala po na dapat makamit ni Doc Gerry Ortega ang katarungan, huwag po natin kalimutan… JUSTICE MUST PREVAIL.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *