Friday , April 26 2024

Binay na-boo sa Cebu City

VP binaySINIGAWAN ng boo si Vice President Jejomar Binay sa pagdiriwang ng Sinulog Festival sa Cebu City, iniulat kahapon.

Tinatayang 10,000 tao ang nasa loob ng Cebu City Sports Center nang siya’y ipakilala ni suspended Mayor Mike Rama para sa pormal na pagbubukas ng Sinulog Grand Parade pasado 9:00 a.m. kahapon.

Lalo pang lumakas ang boo nang tumayo si Binay para magbigay ng talumpati.

Dahil dito, tanging ginawa ng bise presidente ay bumati ng magandang umaga sa sinabing Viva Pit Senyor!

Kasama ni  Binay, standard bearer ng  United Nationalist Alliance ang kanyang running mate na si  Sen. Gringo Honasan at  senatorial candidates Princess Kiram, Alma Moreno at  abogadong si Harry Roque, at ang anak na si dismissed Makati City Mayor Junjun Binay.

Sumang-ayon ang ilang netizens sa nangyari.

Ayon kay EF Hidalgo ng Muntinlupa City, deserving si Binay sa nangyari dahil sa ginawang pang-iinsulto sa talino ng mga Pinoy sa kanyang nognog political ads.Hindi aniya mayorya ng mga Pinoy ay magnanakaw, hindi rin corrupt at walang hindi maipaliwanag na yaman o sa madaling salita ay hindi katulad ng reputasyon ni Binay at ang mga Cebuano ang nagbigay sa kanya ng matinding pahayag na hindi sila ang klase ng Nognog na si Binay.

Ayon kay Timothy Alampay, hindi na natuto ang UNA nang mag-walk out ang mga Cebuano sa speaking engagement ni Binay ilang buwan na ang nakararaan sa Cebu Coliseum. Katwiran noon ng tagapagsalitang si Salgado, hindi kinaya ng mga tao ang init sa lugar. Ngayon ay hindi na importante kung may partidong sangkot sa nangyari dahil malinaw itong mensahe na hindi tama ang mga resulta ng political survey at hindi ito ang dapat na maging gabay sa pagboto ng kandidato.

Sinabi ng isang Chris Ruiz, hindi welcome si Binay sa Cebu.

Wala pang pahayag ang kampo ni Binay hinggil sa pangyayari.

About Hataw News Team

Check Also

AFP modernization suportado ni Padilla

“MAGIGING maingay kami sa pagsusulong ng modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP), lalo …

Navotas MOU Makabata Helpline

Navotas lumagda sa MOU para sa Makabata Helpline

NAKIPAGKASUNDO ang pamahalaang lungsod ng Navotas akasama ang Council for the Welfare of Children (CWC) …

Bong Go Rex Gatchalian

DSDW chief sinabon ng senador

TILA NAKATIKIM ng ‘sabong walang banlawan’ si Department of Social Worker and Development (DSWD) Secretary …

UP PGH

Upgrade ng PGH inilatag sa SB 2634

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pag-upgrade ng mga serbisyo at pasilidad ng Philippine …

Laguna Police Best Police Provincial Office Award CALABARZON

Sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan
LAGUNA POLICE PROVINCIAL OFFICE BEST PPO SA CALABARZON

Camp B/Gen. Paciano Rizal, Santa Cruz, Laguna – Muling nakamit ng Laguna Police Provincial Office …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *