Saturday , April 27 2024

“A Second Chance” movie nina John Lloyd at Bea certified blockbuster agad sa loob ng dalawang araw (Pelikula puring-puri ng mga director)

112715 lloydie Bea Alonzo
Phenomenon talaga ang One More Chance, nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo na naging iconic ang mga character na ginampanan sa pelikulang ito bilang mag-sweethearts na sina Popoy at Basha.

Tumatak sa kanilang followers ang pinakawalang mga hugot line sa movie na “Sana ako pa rin. Ako na lang. Ako na lang ulit,” na dialogue ni Bea kay Lloydie na sinagot naman ng aktor nang… “She had me at my worst. You had me at my best… and you choose to break my heart.”

Oh, ‘di ba naman ang loveteam ng dalawa ang original pagdating sa hugot movies na naging uso na. At dahil sa popularity nina Popoy at Basha ay patuloy na pinipilahan ngayon sa mga sinehan ang sequel movie na “A Second Chance” na kumita agad ng P43.3 million sa unang araw ng showing nito. Nang sumunod na araw dahil sa walang patid na pila ay umabot na sa P100 million ang gross income ng pelikula na inyo nang mapapanood ngayon sa 350 sinehan sa bansa.

At this time, mas lalong nag-level-up pa ang kuwento ng pag-iibigan nina Popoy at Basha na hindi lang magkukuwento ng isang love story, kundi ilalahad nila sa bago nilang movie ang tungkol sa anatomy of break-up at grabe raw ang piga o hugot lines ng mga eksenang ginawa ng dalawa. Pag-uwi ng moviegoer sa sinehan ay magiging topic sa buhay ng bawat isa lalo sa mag-partner ang “A Second Chance.”

Yes malaki talaga ang difference nito sa One More Chance dahil dito sa latest film nina Lloydie at Bea ay mas matured nang pareho sina Popoy at Basha at bukod sa ikinasal sila sa movie, may maiinit pa silang eksena at nag-slight daring sila rito. Pumayag sila para sa ikagaganda nang husto ng story ng ipinagmamalaking movie.

Ang One More Chance pala ang kauna-unahang worldwide hit ng Star Cinema noong 2007. Samantala magkakaroon rin ng international screening ang A Second Chance ngayong December 2 and 4 sa USA at Canada at sa December 4 ay nasa Hong Kong naman sina John Lloyd at Bea para sa pagtatanghal ng pelikula nila roon na idinirek ng orihinal na Hugot Queen at blockbuster TV and movie director na si Cathy Garcia-Molina.

Puring-puri pala ng mga co-directors ni Direk Cathy na sina Direk Frasco Mortiz, Dan Villegas atbp., ang kanyang pelikula na posibleng umabot sa P600 milyon ang kikitain sa tatlong linggo o mahigit pa na showing nito sa mga sinehan. Yes majority ng mga theaters ay sold-out at may mga mall na tatlo ang sinehan ng A Second Chance. Kaya this year ay puwedeng ito ang tanghaling all-time highest grossing Filipino film, na makahihilera ang Starting Over Again nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga at ang The Amazing Praybeyt Benjamin 2 ni Vice Ganda.

AICELLE SANTOS GRAND WINNER SA BATTLE OF THE CHAMPIONS SA #BULAGAPAMORE

Apat sa mga naging champion sa #BulagaPaMore, na kinabibilangan nina Luke Mijares, grand winner ng #BulagaPaMore#VSTPaMore, Julian Trono (KPopPaMore), Sheree (BallroomPaMore), at si Aicelle Santos na nag-champion sa #AegisPaMore ang mga naglaban sa “Battle of the Champions” sa Eat Bulaga nitong Sabado. Si Aicelle nga ang itinanghal na winner, na nagkamit ng 5o% total of votes mula sa Dabarkads judges sa buong mundo kasama ang guest celebrity judges na sina Gabby Concepcion at Carla Abellana na mga pangunahing bida sa teleseryeng Because of You. Ang isa sa phenomenal revival hits ng Aegis na “Luha” ang ipinanglabang kanta ni Aicelle at muli nitong pinatuyan ang kanyang pagiging biritera at Traffic Diva. Talagang tumigil ang ilang motorista sa kahabaan ng Aurora Boulevard para panoorin ang performance niya na isinakay pa sa crane hanggang tuktok ng MRT. Kaya deserving talaga ang singer stage actress na magwagi. Naiuwi niya ang tumataginting na P100,000 cash.

In fairness naman kina Luke, Julian at Sheree, pare-parehong mahuhusay sila sa ipinakitang talent sa Battle of the Champions.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *